Advertisers
Patay ang tatlong barangay tanod na tumulong sa pagbabantay sa isang polling precinct sa Buluan, Maguindanao 8:15 ng umaga nitong Lunes, Mayo 9.
Dahil sa nangyaring pag-atake, daan-daang mga botante ang nagsitakbuhan.
Ayon sa mga saksi, sakay ang mga salarin ng isang itim na sports utility vehicle at may bitbit na mga assault rifle.
Matapos paputukan ang tatlong biktima, mabilis na tumakas ang mga hindi nakikilang salarin.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ni Maguindanao provincial police director Col. Jibin Bongcayao ang nangyaring insidente.
“Efforts to identify those responsible for that atrocity are now underway,” ani Bongcayao.