Advertisers
Patay ang isang guro na dapat sanang magsisilbi bilang support staff sa electoral board nitong Lunes araw ng Halalan 2022 nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Negros Occidental.
Ayon kay PNP-Police Regional Office 6 Public Information Officer Chief, Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, nangyari ang pamamaril sa Himamaylan City sa nasabing lalawigan kung saan tinamaan sa tiyan ang biktimang si Mercy Miguel.
Agad naman itong isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa naturang insidente.