Advertisers
ITINUTURING ng pambansang kapulisan na generally peaceful ang eleksyon nitong Lunes.
Sa press briefing ng Commission on Elections (Comelec) Committee on Firearms and Security, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (PNP) Director for Operations Brig. Gen. Allan Nobleza, mas mababa ang bilang ng mga naitalang karahasan ngayong halalan kumpara sa mga nakalipas na eleksyon.
Ayon pa kay Nobleza na isolated cases lamang ang mga kaguluhan na nangyari sa Maguindanao at Lanao del Sur.
Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng spokesman nito na si Col. Ramon Zagala na bagama’t 15 election-related violence ang naitala ngayong araw tulad ng ilang pagsabog, napaghandaan naman aniya ito ng PNP at AFP kaya mabilis na nakapagresponde ang mga awtoridad.
Panatag si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na mapayapa ang national at local elections nitong Lunes. (Josephine Patricio)