Advertisers

Advertisers

2-anyos patay sa suntok ng stepdad

0 362

Advertisers

Patay ang dalawang taong gulang na batang babaenang pagsusuntukin ng kaniyang amain na nagising sa ingay ng bata sa Bauan, La Union.

Sa ulat, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na unang sinabi ng salarin na stepfather na nahulog ang bata kaya dinala sa ospital at doon binawian ng buhay.

Pero nagduda ang mga awtoridad sa pahayag ng salarin kaya isinailalim sa awtopsiya ang mga labi ng bata at doon nakita ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.



Kinalaunan sumuko rin ang salarin at inamin na limang beses niyang sinuntok sa tiyan ang bata dahil nagising siya sa ingay nito.

Hindi naman matanggap ng tunay na ama ng bata ang sinapit na kamatayan ng kaniyang anak.



Ayon naman sa mga kaanak ng biktima, maalaga at malambing naman daw ang salarin kaya hindi nila inakala na magagawa nitong patayin ang bata.

Iniutos na umano ng piskalya na magkaroon ng premilinary investigation sa naturang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">