Advertisers
Inaresto ng mga pulis ang pitong suspek dahil sa pananakit sa isang Board of Election Inspectors chairman at dalawang poll watchers sa loob ng election precinct sa Datu Piang, Maguindanao.
Ayon sa Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region, pinasok ng mga suspek ang voters precinct sa Datu Piang National High School sa Barangay Buayan.
Nagtamo ng sugat ang mga biktima at kaagad namang naitakbo sa ospital upang magamot.
Samantala, inilagay na ang mga hindi pinangalan suspek sa kustodiya sa Datu Piang Municipal Police Station.