Advertisers

Advertisers

Mahihirap sa Malolos, San Ildefonso, Bulacan inayudahan ni Bong Go

0 212

Advertisers

NAGBIGAY ng ayuda ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development, para sa daan-daang mahihirap sa Lungsod ng Malolos at San Ildefonso, Bulacan.

Sa kanyang video message sa mga aktibidad na ginanap sa Sports Complex sa Malolos City at Barangay Garlang Covered Court sa San Ildefonso, ipinahayag ni Go ang kanyang pasasalamat sa DSWD sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa 1,200 Bulakeño na dumalo sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Ang pangkat ni Go ay namigay ng mga pagkain at iba pang uri ng tulong sa bawat residente. Nagbigay din sila sa mga piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos at computer tablet, gayundin ng mga bisikleta para sa pag-commute.



Hinikayat ng senador ang mga may problema sa kalusugan na bisitahin ang Bulacan Medical Center sa Malolos City o Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Sta. Maria kung saan may mga Malasakit Center na magagamit para tulungan sila sa kanilang mga gastusin sa ospital.

Alinsunod sa kanyang pangako na magbigay ng maginhawang pag-access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan, pangunahing inakda at itinaguyod ni Senador Go ang Republic Act No. 11463, o kilala bilang Malasakit Centers Act, na nag-uutos sa pagtatatag ng Malasakit Centers sa lahat ng mga ospital na pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Department of Health at ng Philippine General Hospital.

Ang mga ospital na pinamamahalaan ng local government units at iba pang pampublikong ospital ay maaari ring magtatag ng sarili nilang Malasakit Centers basta matugunan nila ang standard set of criteria para magarantiya ang sustainability ng operasyon ng mga centers, kabilang ang kanilang maintenance, personnel at staff training, at iba pa.

“Meron na po tayong 151 Malasakit Centers sa buong bansa. Ito po ay batas na, isinulong ko po noon, pinirmahan ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Ang Malasakit Center po ay one-stop shop, nasa loob na ho ng ospital ‘yung apat na ahensya ng gobyerno at tutulungan po kayo, ang PhilHealth, PCSO, DOH, at DSWD. Zero balance po ang target ng Malasakit Center,” ani Go.

Kasabay nito, hinimok din ni Go ang mga hindi pa nabakunahan na mga residente na kumuha ng kanilang mga jab laban sa COVID-19.



“Magpabakuna na ho kayo. Kung kayo po ay eligible na naman po at hindi pa bakunado, nakikiusap po ako na magpaturok na po kayo. Nakikita naman po sa datos na bumababa ang kaso dahil marami na po ang bakunado,” ani Go.

Noong Mayo 3, nagbigay din ng katulad na tulong ang pangkat ni Go sa 500 nahihirapang residente sa Lungsod ng Malolos.