Advertisers

Advertisers

Nalo, Talo!

0 245

Advertisers

SA nagdaang halalan may pinalad na nanalo at may minalas kaya natalo.

Eka nga sa laro nating basketball ay nakashoot sila. Posibleng maganda na opensa at matindi pa ang depensa Kabilang sa mga nagwaging mga basketbolista ay sina Vergel Meneses at Francis Zamora bilang mga alkalde.

Si Aerial Voyager nareelect sa Bulacan, Bulacan habang ang anak ni Cong Ronnie Zamora ay nabigyan ng 2nd term sa siyudad nilang San Juan.



Vice-mayor naman si Dodot Jaworski sa Pasig kung saan naging congressman na rin siya noon samantalang kongresista na si Franz Pumaren sa ikatlong distrito ng Quezon City matapos ang ilang taon bilang konsehal. Minsan na rin siyang tumakbong kinatawan ng Kongreso pero hindi pa marahil panahon niya noon.

Mga kagawad ng city council naman sa San Juan sina James Yap, Paul Artadi at Don Allado. Miyembro din ng Konseho si Dondon Hontiveros as Cebu, si Rey Evangelista sa Ormoc at si Ato Agustin sa San Fernando, Pampanga. Bigo naman si Alvin Patrimonio maging punong-bayan ng Cainta at si Philip Cesar bilang bise-alkalde sa San Juan.

Unang sabak ni Cap sa pulitika nguni’t ang orig na tapal king ay beterano na sa lungsod.

Ang pinakamalaking pangalan natin sa boxing na si Manny Pacquiao ay pangatlo lang sa presidential derby. Ano na kaya ang planong susunod ng pambansang kamao sa kanyang political career?

Ang dating taekwondo champ na si Monsour del Rosario ay hindi nakasali sa Magic 12 sa Senado. Si Del Rosario ay dating bahagi ng Mababang Kapulungan bilang representante ng unang distrito ng Makati. Unang nagdeklara nitong kampanya sa kampo nina Lacson at Sotto pero lumipat sa pangkat nina Robredo at Pangilinan.



Ang former volleyball standout ng Ateneo na si Charo Soriano ay uupo naman sa konseho ng Tuguegarao, Cagayan simula sa ika-30 ng Hunyo.

***

Ibang klase nilaro ng Grizzlies sa Game 5 nila ng Warriors kahit wala ang star nilang si Ja Morant. Tambak sina Steph Curry ng 39 na puntos. Ang taonong lang ng marami ay kaya ba nilang ulitin ito sa Game 6 na sa San Ftancisco na gaganapin.

Malabo pang makabalik si Coach Steve Kerr ng Golden State na postibo pala sa Covid 19.

***

Kahapon ang Game 3 ng Battle of Katipunan sa UAAP habang Game 1 palang sa Linggo ng War in Intramuros sa NCAA.Nakoronahan na ang UP o Ateneo. Blue o Maroon alam na. Sa kabilang banda ay maglalaban pa ang mga Knights at Cardinals.

***

Binabati na si Nikola Jokic sa ikalawang sunod na MVP award. Pero mas gusto niya tiyak na NBA na korona naman ngayon.Balita na pipirma ang sentro ng atensyon ng extension sa Denver. Ibig sabihin paniwala niya na dito rin siya magkakasingsing.