Advertisers
Ni BETH GELENA
PINAGTANGGOL ng namamahala sa career ni Andrea Brillantes ang aktres dahil sa isyung kinasasangkutan.
Ayon sa Aguila Artist Management: “May mga kumakalat na malisyosong tweets mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media. Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.”
Kalakip ang screenshots nang ipahayag ng AAM ang mapanirang tweets ni Andrea na may Twitter handle na “@iamandrea_b” at user name na “Andrea Brillantes.”
Sa Twitter ay makikitang nakikipagbangayan ang young aktres sa kanyang detractors gamit ang mga di magagandang salita.
Sambit ng poser, “Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga BOBO!”
May kasunod pang, “Okay lang may bold, at least di palamunin sa bahay.”
Maging ang presidential daughter na si Kitty Duterte ay idinamay ng poser.
Sey ng poser, “Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences.”
“At Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magnanakaw pa!”
Ang official Twitter handle ni Andrea ay @andrea_b.
Idiniin ng AAM na edited ang malisyosong tweets na ginamit ang Twitter handle ni Andrea.
Kaya ang panawagan ng talent agency, “Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.
“Pinaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber libel at may karampatang parusa.
“Mabusisi itong mino-monitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon. Maraming salamat po.”
Anyway, si Andrea ay tahimik lang sa isyu.
Tikom ang kanyang bibig, bukambibig niya so far ay ang boyfriend niyang si Ricci Rivero.
Teka, how true na dahil sa kumakalat na isyu sa.young aktres ay tinanggal na raw siya sa ilang produkto na kanyang ini-endorso?
Nagtatanong lang po!!!
***
CHARO MAY BAGONG SHOW PARA SA MGA OFWs
MAY bagong show si Ms. Charo Santos na iho-host, ang Shine On Overseas Pinoy na maoapanood sa The Filipino Channel.
13 episodes ang nasabing programa na kakausapin ni Mam Charo ang mga Pinoy OFWs from all over the world.
Sa isang panayam ay ibinahagi ng TV host-actress, how the idea for the show first came to her.
“Last year, we had Sun Life mount an event with overseas Filipino workers. This was an opportunity for the Sun Life advisors to have a chat with our OFW kababayans from other parts of the globe.
“And since pandemic nga and mahirap ang face-to-face na pakikipag-usap, naisip ko lang, why doesn’t Sun Life partner with The Filipino Channel and create a show where we will have the opportunity to listen to some of the stories of our kababayans and how they learned about financial management from their partners in life who are their Sun Life advisors?
“So itong show nga na ito ang naging resulta nito. So we had the chance to talk to some select OFWs at nagkuwento sila ng kanilang journey towards their financial management and stability and insurance for their future,” mahaba niyang sabi.
Aside sa featuring real-life OFW stories, ayon pa sa host may mga informative show din daw na focuses on the importance of financial management.