Advertisers

Advertisers

Taas presyo sa delata, gatas, asin atbp, hamon sa BBM admin…

0 333

Advertisers

INAASAHAN sa buwan ng Hulyo o mga kaaunod na buwan ay magiging P20.00 na ang kada kilo ng bigas…maaaring ang pinaka-ordinaryo bigas siguro.

Sa ngayon nakabibili ako ng P28.00.kada kilo. Maalsa naman pero manilawnilaw at infairness, hindi naman maamoy. Kaya mura ito kasi iyong mga palay na inabutan ng bagyo o nalubog sa baha daw.

Nitong nagdaang halalan, isa sa ipinangako ng susunod na pangulo ng bansa, president-elect Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawin niyang P20.00 kada kilo ng bigas.



Aba’y napakalaking tulong nito.kung sakaling magkatototoo ito lamang, paano naman mga magsasaka natin. Kasi kung magiging P20.00 kada kilo ng bigas, e di magkakano na ang bilihan ng palay sa mga magsasaka? P5.00 kada kilo? Tsk..tsk…patay.

Well,.for the benefits of the doubt, hayaan muna natin kung paano diskartehin ito ng susunod na administrasyon.



Pero bago pa man, marami nang negatibong komento hinggil sa isyu, napakalabo daw mangyari ang P20.00 kada kilo.

Wait na lang muna natin kung ano ang diskarteng gagawin ni BBM…



Ano pa man, hindi pa man nakauupo si BBM at ginagawan pa rin nila ng paraan kung maipatupad ang P20.00 kada kilo ng bigas, sinalubong na ng malaking hamon ang bagong administrasyon.

Tinutuloy natin ay ang bad news ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong nakaraang linggo – maraming nagtaasan presyo ng bilihin. Isa nga rito iyong dating abot kaya na delatang isda “sardinas”.

Ngayon, hirap nang bilhin din ito. Akalain mo P18.00 – P20.00 na, e ilan gramo lang ito o ilan pirasong isda lang ang laman nito. Kulang na sa isang maliit na pamilya sa sinasabing poorest.among poorest.

E tumaas last week ang presyo,so magkakano na ang sardinas ngayon? Mabuti sana kung, kasabay nito ang pagtaas ng suweldo o minimum wage pero hindi naman.

Hindi lamang ang sardinas ang tumaas kung hindi maging nga ang asin. Naku po! Huwag nang mag asin para safe sa kidney. Tama!

Opo, inaprubahan ng DTI nitong Mayo 11 ang pagtaas ng presyo (SRPs) sa sardinas, instant noodles, asin, corned beef, sabong panlaba, kape, battery at iba pa.

Paano kaya kahaharapin ni BBM ang hamon na ito sa kanyang administrasyon? Subsidiya “cash” ulit ang kasagutan tulad ng ginagawa ng mga nagdaang administrasyon?

Walang masama sa cash subsidies pero, sapat pa na solosyon ito sa.kahirapqn ng nakararaming pamilyang Pinoy. Isa lamang itong band aid solution, nawa’y magawan ito ng solusyon ng kampo ni BBM katulong ang kanyang economic team – permanenteng solusyon. Ang ibigay ang kahilingan ng milyon-milyong manggagawa – taasan ang minium wage, hindi lang sa metro manila kung hindi nationwide.

Katunayan, dapat din ikonsiderang Marcos Jr admin na ipareho na rin ang minimum wage sa mga probinsiya sa Metro Manila. Sa totoo lang mas maraming pangunahing bilihin sa probinsya na mas mahal kaysa Metro Manila.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na mas mahal pa ang produktong pertrolyo sa probinsiya kaysa Metro Manila.

Kaya, sana ay gawan ito ng tamang solusyon ng BBM.admin. Hindi band aid solution kung hindi permanente. Isa nga rito ay salary increase nationwide at
iparehas na ang suweldo sa probinsiya sa sahod sa Metro Manila.

Kaya abangan na lang natin, kung paano kaharapin ng bagong administrasyon ang malaking hamon na isinalubong sa kanila. Isa sa solusyon, pikit mata na aprubahan ang matagal nang kahilingan ng mga manggagawa ang taas sahod nationwide at pantay na minimum wage,.mapa probinsiya o metro manila.