Advertisers
ANG nakaraang eleksyon na ang grabeng vote buying na nangyari sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas.
Oo! kung dati-rati ay sa lokal lamang nangyayari ang matinding bilihan ng boto eleksyon, ngayon ay nangyari narin sa national level.
National level means mula Presidente hanggang Senador. Yes! Talagang bumaha ng pera sa nakalipas na eleksyon. Istritan ang nangyari from President to Mayor. Grabe!
Sa amin lamang sa Romblon, ang inaakalang landslide na magiging panalo ni Leni Robredo ay nabaligtad, si Bongbong Marcos Jr ang nanaig sa 14 out of 17 municipalities ng lalawigan.
Ang nagtrabaho ay ang trapo (traditional politician) na si Jesus “Budoy” Madrona at ang kanyang kontraktor na gobernador na si Otik Riano.
Kung saan galing ang sako-sako nilang pera na pinambili ng mga boto, yan ang hindi natin alam. Dahil noong kasagsagan ng pandemya ng Covid-19 ay naging inutil sa pagtulong sa mga Romblomanon itong Madrona at Riano.
Sabi, binagsakan daw sila ng pera ng kanilang dinalang presidente at bise, sina Bongbong Marcos Jr. Sara Duterte-Carpio, kapwa nanalo ng landslide. Ganun?
Pero kahit noong 2019 election ay grabe na ang vote buying sa Romblon, mas dumoble nga lang ngayong 2022.
Dahil sa nangyaring matinding pamimili ng boto sa nagdaang eleksyon na ito, asahan na mas lalala pa ang korapsyon sa Romblon. Peks man! Bakit kanyo? Dahil tiyak na babawiin ng mga trapong ito ang nagastos nila sa kanilang kandidatura. Mismo!
***
Pinaka-worst ang politika sa Romblon, isa sa poorest provinces sa Pilipinas na mayroong mahigit rehistradong 200,000 botante.
Mantakin ninyo, mga pare’t mare, ang mga naglalabang mayor, vice mayor at maging independent councilors ay iisa ang dinadalang congressman, si “Budoy” Madrona. Naggagamitan lang sila. Sumasandal sila kay Budoy para sa financial at ginagamit lang din sila ni Budoy para suportahan siyang hindi maalis sa puwesto. Ang kawawa rito ay ang bayan. Hindi na umuunlad dahil sa walang katapusang pandemya ng korapsyon!
Isang isla nga sa Romblon, ang Carabao island na mayroong mahigit 7,000 registered voters, ang apat sa limang kumandidatong mayors ay si Budoy ang ulo (congressman). Hanep! Pakapalan na talaga ng mukha. Animal!
Isang bayan nga lang sa 17 municipalities ng lalawigan ang hindi sumandal kay Madrona, ang mayor ng maunlad na bayan ng Odiongan na si Trina Firmalo.
Si Madrona, 30 years na sa politika, ang pinaka-financier ng halos lahat ng politiko sa Romblon. Halos lahat ng kumakandidato lalo sa pagka-mayor hanggang kapitan ng barangay ay sumasandal sa kanya. Pati mga pari ay na-korap narin niya. Lupet!
Pero si Madrona ay nahaharap sa kasong Graft and Corruption sa Sandiganbayan. Its all about fertilizer fund scam.
Ang mga pagdinig sa kasong ito ay natapos na 2 months ago. Submitted for decision na ito. Nangyari ang kasong ito 2004, gobernador pa ng Romblon si Madrona.
Sa lahat ng nakasuhan ng fertilizer fund scam, isa palang ang napawalang-sala dahil sa teknikalidad.
Wish natin mailabas na ng Sandiganbayana ng decision sa kasong ito. Now na!