Advertisers
“Oh kay bilis namang naglaho ang pag-ibig mo sinta…daig mo pa isang kisap-mata”.
Ayan po ang theme song ngayon ng Pinklawan ni Leni Robredo patungkol sa walang patumanggang pagbaligtad o pag-tumbling ni former Comelec Commissioner Rowena Buangzon este Guanzon pala.
Hindi na nag-init pa ang puwet ng Ilonggang si Buangzon este Guanzon at kara-kara kang nag-alis ng mascara at pink outfit para lumundag sa kampo ng mga Marcos.
Present si Guanzon sa Ipinatawag na pagpupulong ng Party-list Coalition Foundation para iendorso ang speakership bid ni House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez, pinsang buo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Matatandaan na maingay pa sa umaatungal na baka itong si Buangzon este Guanzon pala na nag-anunsiyo ng kanyang pagpabor sa disqualification case na noo’y nakapending sa Comelec laban sa batang Marcos.
Sumama pa ito sa ilang campaign rallies ng Pinklawan nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan para kondenahin si BBM.
Makailang beses din itong umakyat ng entablado para laitin at siraan si Bongbong Marcos.
Lumabas pa sa social media ang videos kung saan makailang beses na tinawag na magnanakaw ni Buangzon si BBM.
Pero ilang araw lamang ang lumipas, 5 days to be exact, ayun na si Guanzon at ka-kiskisang-siko na ang mga BBM diehard supporters at Marcos loyalists including Ilocos Norte 1st District Congressman-elect Sandro Marcos, eldest son of BBM.
Kasama si Guanzon sa Party-list Coalition Foundation na nag-eendorso nga sa speakership bid ni Congressman Martin Romuladez.
Ano naman kaya ang naging pakiramdam dito ng kampo ni Leni at Kiko?
Meron pa ngang nagsabi na isang “Trojan Horse” itong si Buangzon este Guanzon pala na na-infiltrate ang inner circle ng mga Pinklawan without them sensing it.
“Espiya pala ang hayop at traydor”, sabi ng isa pang taga-Liberal Party (LP).
Pati si Senador Dick Gordon ay napamura at talagang kumulo ang tae dito kay Guanzon nang makita ang former Comelec Commissioner sa meeting ng mga pro-Marcos solons.
Nanalo kasi ang party-list na kung saan si Guanzon ang first nominee, ang PWD Party-list.
Katwiran ni Guanzon, wala umanong pondong mapupunta sa PWDs kung puro na lang paglaban sa administrasyon ang kanyang gagawin.
Wala rin umano itong mapapasang batas kung puro pagkontra na lamang ang gagawin nito.
Kapal din talaga ng face ng hinayupak na babaeng ito!
One for the book!
Bagay na bagay talaga sa kanya ang monicker na “BUANGZON” dahil buwang na talaga at walang keber sa damdamin ng kanyang kapwa-tao.
Wala rin itong pakialam sa sasabihin ng mga dating “kaKampink”.
Sadyang matigas ang mukha at sikmura.
Kaya naman pala ganoon na siya katabil at katapang magsalita.
May sarili siyang mundong ginagalawan.
Ika nga sa salitang kalye, sobrang luwag ng turnilyo.
Matutuwa kaya kay Buangzon ang sektor na kanyang nire-representa,ang PWD Party-list?
Hindi kaya ngayon pa lamang ay sukang-suka na ang sektor na ito sa kanilang representative sa Kongreso.
Since unification ang battle cry ng BBM-Sara Duterte Uniteam, maluwag na nakapasok sa kampo ni President-elect Bongbong Marcos itong si Buangzon pero sa dami ng mga negatibong salita na ibinato nito sa batang Marcos, 100 percent sure tayo na kuwidaw at nag-iingat ang incoming President of the Republic.
“To trust Guanzon is a silly thing to do”, ayon naman sa isang confidante ni BBM.
Para sa inyong lingcod, una pa lamang ito ng maraming kabaliwang gagawin itong si Buangzon este Guanzon pala.
From Comelec, sa House of Representatives naman ito magsasabog ng lagim.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com