Advertisers

Advertisers

Ginto pa ng Pinoy hurdler, jins.cue artists at muay sa Hanoi SEAG… CRAY NG ‘PINAS, MAANGAS SA ATHLETICS

0 331

Advertisers

PATULOY ang paghahari ni Evergreen Eric Cray sa 400-meter hurdles’ upang tampukan ang four-gold medal production ng Pilipinas sa athletics event ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Umani naman ng ikalawang ginto sa Taekwondo kortesiya ni Kurt Bryan Barbosa, habang tumumbok naman si Rubilen Amit ng buwenamanong ginto sa billiards, at ang tambalang Pinay ay nagbigay sa Muay Thai women’s .

Matapos humakot ng 10-gintong ani ang mga atletang Pilipino na ang kampanya ay suportado ng Philippine Sports Commission, lumawig ito sa 34 golds, 37 silvers at 47 bronzes, habang ang Thailand ay namemeligro sa segunda puwesto sa kartadang threatened to 40-40-62 .



Patuloy naman sa pag-alagwa sa pangunguna pangkalahatan ang host na may kartang Vietnam 95-62-62 habang ang Singapore ay pang-apat(27-31-32) at pangloma ang Indonesia (25-38-35).

Ang 33-anyos na si Cray ay nagsumite ng 50.41 para sa kanyang ikalimang sunod na gold medal 400m.



Puntirya ni Cray ang panibagong ginto sa 100 meters upang para sa misyong personal eighth gold medal sa My Dinh National Stadium.

“That would be intense, so I will try to rest up tonight,” wika ni Cray, ang 2017 Asian Athletics champion.



Binugbog nang husto ni Barbosa si Jaijulla Panachai ng Thailand 16-7 sa men’s minus 54 kg ng taekwondo sa Tay Ho Gymnasium.

Ang Billiards, na itinuturing na mina ng ginto at dangal sa international scene, ay pinagtibay ni Amit matapos tambakan si Jessica Chan ng Singapore 7-1 sa women’s finals ng 9-ball singles sa Hadong District Sporting Hall.

Ang Muay Thai tandem nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez ay sumipa ng gimto sa women’s waikru mai muay contest.

Nanatili naman sa kontensyon si Efren “Bata” Reyes sa 1-cushion carom singles gayundin si Chezka Centeno sa 10-ball- kung saan siya ang nagrereynangkampeon. (Danny Simon)