Advertisers
NARITO ang mga eksaktong figures noong halalan ng mga iba pang personalidad sa daigdig ng palakasan.
Si dating Hotdog Rey Evangelista ay pangatlo sa Ormoc na may botong 65,594 (51.39%).
Ire namang si Franz Pumaren ay pinalad na ngayon sa pagtakbo bilang kongresista. Nakakuha ang kapatid ni Dindo ng 59,792 (50.66%) sa 3rd District ng Quezon City.
Sa Paranaque ay talo sa pagka-Vice Mayor ng Paranaque si Binky Favis ng Letran/UST at pambansang koponan. Ang apo ni Flash Elorde na si Bai Elorde ay olat sa pagkakonsehal sa 2nd District sa parehong lungsod.
***
Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay nasa panglimang na lamang tayo sa 31st SEA Games sa Hanoi.
Naungusan na tayo ng Indonesia at Singapore at nangnanganib pa tayong maunanahan ng Malaysia.
May 40 na Gold, 57 na Silver at 79 na Bronze ang Pilipinas sa mga sumandaling ito. Marami pang medalyang nakataya lalo na sa swimming, boxing at team sports.
Ang tiyak ay ang layo natin sa placing nang tayo naging host noong 2019. Naalala ninyo siguro ay ito yung may slogan na
“We steal este we win as One” na pinamunuan ni ngayo’y Sen. Alan “Caldero” Cayetano.
***
Parehong tambakan ang mga Game 1 ng Eastern at Western Conference. Dinaig ng Heat ang Celtics sa Miami, 118-107. Ganoon din ang istorya ng Warriors kontra sa Mavericks sa San Francisco, 112-87.
Eka ng ni Tata Selo ay kumpletos recados ang mga koponan nina Jimmy Butler at Steph Curry. Tapos may mga beterano na
gagabay sa mga baguhan. Hindi pa rin marahil panahon nina Luka Doncic at Jayson Tatum. Kaunti pa sigurong maturity at piyesa.
Kaya prediksyon ni Tatang ay magiging pagtutuos ito sa Finals nina Coach Steve Kerr at Coach Erik Spoelstra. Opo kahit nakabawi sa Game 2 ang Boston sa pagsumite nitong artikulo.