Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TULUY-tuloy pa rin ang taping ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na by this time ay ang maganda at magaling na young actress na si Jane de Leon ang gumaganap na Darna/Narda. Bukod kay Jane, kasama rin sa serye sina Janella Salvador bilang si Valentina/Regina, Iza Calzado bilang ang unang Darna, ang love interest ni Narda na si Joshua Garcia at si Ding naman ay si Zaijian Jaranilla.
Bilang isang super heroine, maraming workshop at training na pinagdaanan si Jane para sa mga maaksyong eksena since karamihan sa kanyang mga scenes ay bakbakan.
Energy draining man ang mga naturang eksena para kay Jane, nakakuha naman siya ng ‘lakas’ sa isa sa iconic Darna na si Angel Locsin. All out support si Angel sa pagiging Darna ni Jane kaya binigyan niya ito ng tips kung paano tatagal si Jane sa mga fighting scene na pinagdaanan na rin naman ni Angel bilang Darna.
“May mga binigay naman siya sa ’king mga tips, siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime. Sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,” say ni Jane.
Malapit-lapit na rin natin muling mapanood ang paglipad ni Darna sa TV screen.
***
ISANG Koreano ang ama ng isa sa pambatong sex nymphet ng Vivamax na si Angeli Khang, remember her in “Taya”, “Mahjong Nights”, “Eva” at ang “Silip sa Apoy”, at ngayon naman sa “Pusoy” streaming starting May 27 in all Vivamax Apps, na makakasama ni Angeli sina Vince Rillon, Baron Geisler, Janelle Tee, Jela Cuenca, at iba pa. Written and directed by Phil Giordano and produced by Brillante Mendoza. Ang “Pusoy” ay kuwento ni Popoy (Vince), isang ambisyoso at batang bodyguard na nagtatrabaho sa notorious na pasugalan na pag-aari ni Rodolfo (Baron), isang malupit na gambling lord, at mina-manage ni Xandra (Janelle), isa sa mga babae ni Rodolfo. Tapat sa kanyang tungkulin si Popoy, ngunit may ambisyon na balang araw ay mapasakanya ang pasugalan.
Among sex nymphets ng Vivamax tulad nina AJ Raval at Cindy Miranda, marami ang nakapupuna na tila mas may lalim ang hugot ni Angeli sa kanyang mga madra-dramang eksena. Say nga, may kinalaman ito sa pagiging battered child niya sa amang Koreano. Alam din ito ng big boss ng Viva na si Vic del Rosario kaya ginamit ni Boss Vic ang karahasan na sinapit Angeli bilang motivation nito.
“Boss Vic told me to just make use of my past sad experiences para may mapaghuhugutan ako when I’m doing dramatic scenes. I’ve learned to accept what happened to me as a child, but I believe na dapat panagutan niya ang mga ginawa niya sa akin at pati na rin sa brother ko,” say ni Angeli.
It only proves na behind negative vibes ay may hidden positive na pwede magamit ng isang tao para makapag-move-on sa buhay.