Advertisers

Advertisers

Dagok!

0 315

Advertisers

ISANG buwan ma mahigit mula ng sinipa ng LA Lakers si Coach Frank Vogel nguni’t wala pa silang ipinapapalit. Tatlo ang tinururing na nasa final list.

Sila sina Assistant Coach Darvin Ham ng Milwaukee, Terry Scotts ng Portland at si Kenny Atkinson, dating taga-Brooklyn.

Kahit sino pa ang mapili ang mahalaga ay magkaroon na sila ng maagang bagong simula.



Unang concern ng mapipiling bench tactician nila ay ano ang gagawin kay Russell Westbrook.

Mananatili o ititrade?



Tapos buuin ang final line-up na tiyak na hindi magiging madali sa limitasyon ng salary cap ng koponan.

Siyempre malaki expectation ng fans ng prangkisa nakabase sa Hollywood. Bukod diyan ay sinasabing may say si LeBron James sa takbo ng team. LeGM nga bansag ng iba at ang boto raw ay para kay Ham.



Malaking hamon talaga sa uupong mentor nina Anthony Davis.

***

Naghabulan ang Pilipinas at Singapore sa pang-apat na puwesto sa 31st SEA Games sa Hanoi.

Ibigay na natin sa host na Vietnam ang over-all tapos 2nd place sa Thailand at 3rd sa Indonesia.

Mabuti naungusan natin ang city-state ng limang ginto para sa over-all 4th place finish. Galing ang mga medalya sa last day sa archery at boxing.

Mas daig din natin ang bansa ni Lee Kuan Yew sa silver at bronze. May total tayong 227 na karangalan.

***

Isang matinding dagok ang pagkakasilat sa atin ng Indonesia para sa ginto sa men’s basketball. Unang natalo tayo noon sa Malaysia taong 1989 para sa pang-unang puwesto pero pagkatapos ay naideretso natin hanggang 2019 sa Manila.

Eka nga ni Ka Berong ay madaig na tayo sa ibang laban huwag lang sa paborito nating laro. Oo kahit pa nasungkit ng women’s team ang gold.

Pinaulanan tayo ng mga Indones ng tres na hindi natin napigilan at nasabayan. Tayo parating naghahabol buong game.

Inako naman ni Coach Chot Reyes ang sisi. Hindi na talaga uubra ang pick-up style ng Gilas pa sa kompetisyon sa rehiyon.

Nag-improve na mga kapit-bansa natin.

Mas maigi na ang may full-time na squad na hasa at dagdagan na lang ng 2 o 3 beterano mula PBA sa huling 2 linggo ng ensayo o depende sa availability nila. Pero mahirap na rin kasi mahigpit ang hawak sa mga player ng mga nasa amateur at attraction ng B-League sa Japan.