Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY posted na funny video si Mariel Rodriguez Padilla na ibinahagi niya sa kanyang IG story.
Nilagyan niya ito ng “ulirang ina moment’: “daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan.”
Nasa amusement center sina Mariel sa Spain kasama ang dalawang anak nila ni Senator Robin Padilla, sina Isabella at Gabriela.
Ani Mariel, gusto raw sumakay ni Isabella sa water ride.
Hindi handa si Mariel sa pagkakataong iyun dahil naka-sneakers siya ng Chanel at wala siyang baon na extra shoes pero may baon naman siyang extra dress para sa mga anak.
Pinagbigyan naman niya ang anak kaya naman tuwang tuwa si Isabell nang pumayag ang ina.
Ayaw sanang mabasa ang sneaker na chanel kaya nakiusap si Mariel sa attendant kung pwede niyang hubarin ang shoes kaso di ito pumayag.
“My ulirang ina moment!!! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one… daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan!!!! As in talagang shower na matindi… shampoo na lang ang kulang!!! Ofcourse i had extra clothes for Isabella from pnty to socks complete because OA mom ako hahahha but for me… nothing.”
“Kung si VP Leni nag plantcha para sa daughter niya… ako linaban ko sa basa ang chanel sneakers ko! Its a tie! hindi ko na siguro ma live selling ito kasi na haggard ng mabuti. mabuhay lahat ng ulirang ina!!! p.s. i asked permission no no i begged the ride facilitator if i can leave my shoes… magkasakit na ako sa basa wag lang ang sapatos ko pero hindi pumayag”
***
SI AJ Raval nga ba ang tinutukoy sa blind item na lumabas kamakailan hinggil sa buntis isyu.
May lumabas sa Twitter na ganitong isyu.
“Teka lungs trew va na jontis itey sexy starlet na ang talac ay mag-study kaya stop muna sa showbiz? Haru josko ang pudra Va ay ang aktor na jiniwalan ng.junakis ng no. 1 sa balota???”
May post naman si AJ ng kanyang photo na nakataas ang kanyang right hand at maigsi ang blouse na suot kaya kita ang abs.
Sinadya raw ni AJ na ipakita ang abs para tugunin na hindi siya ang naba-blind item.
Komento ng netizens, “May ganyan naman talaga ka flat na tummy pag 3months palang na preggy, lumalaki nalang sa ika 4th month. Di naman lahat ng women malaki agad tummy sa 1st month”
“Same 6 months na tiyan ko kaya ko pa mag pants sa 1st baby ko. Pero di ako naniniwala buntis si aj”
“Minsan nakikisama din eh.. pag tinatago maliit, pag nabulgar na tsaka biglang lalaki.”
Ayon naman sa commenter na ito, “Parang out of the blue naman kasi. Kaliwa’t kanan ang movies. She was just at her peak of her career tapos sasabihin she will go study. She’s not the type of girl who studies. Ano naman aaralin nya? Parang wala namang babagay sa utak nya.”
May nagtatanong naman na.”kaya ba binitawan ni AJ ang Scorpio Nights dahil preggy siya?”
***
INDUSTRIYA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI LOLA FLORA
NAGLUKSA ang industriya dahil sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.
Ang aktres na si Agot Isidro ay may makabagbag damdamin na mensahe para sa aktres.
Pinasalamatan niya ang glamorosang aktres na si Lola Flora, ang role niya sa teleseeyeng FPJs Ang Probinsyano.
Sey ng beteranang aktres, “Woke up to a very sad news.”
“Tita Su, thank you for your warm presence, your words of wisdom, your generosity on and off screen.”
“I will miss your laughter and your kwentos. So privileged and honored to have worked with the best,” naalaalang moment ni Agot kay Ms. Susan.
“You really were a Queen. Salamat nang marami. Mahal na mahal ka namin.”
Samantala, nagbigay pugay naman ang It’s Showtime Family sa pagpanaw ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.