Advertisers
Ni WALLY PERALTA
IN awesome shocked ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa napanood niyang isang video message sa mismong set ng kanyang highest rating game show na “Family Feud” sa GMA7.
Hindi kasi sukat akalain ni Dingdong na magbibigay sa kanya ng mensahe ang counterpart niyang host sa US ng ‘Family Feud’ na si Steve Harvey na pinaabot ang kanyang pagbati kay Dingdong.
“Mabuhay Philippines, this is Steve Harvey. Look, I wanna congratulate Family Feud Philippines on GMA Network. Family Feud is now the most watched game show in the entire Philippines. Wow! You guys are unbelievable! Keep it up Kapuso!”, say ni Harvey sa kanyang video message.
At siempre, hindi naman pinalagpas lang ito ni Dingdong.
“Pareng Steve maraming salamat sa’yo!
“Wow as in sobrang kakaiba ‘yung feeling. Kulang na lang magsitalon kami rito sa set noong nalaman namin ‘yung ratings,” sabi ni Dingdong.
Hindi rin kasi naman akalain ni Dingdong na ang mainit na pagtanggap ng mga televiewers sa kanyang Pinoy style of hosting sa “Family Feud” at sa show mismo ay makarating sa kaalaman ni Steve, kaya ganun na lang ang tuwa ni Dingdong.
***
ISA sa mga bombshell ng Vivamax ang may maamong mukha at virginal look ay itong pamangkin ng magandang sexy star noon na si Lara Morena, si Angela Morena.
Sa kabila ng kanyang tila mala-high school student na freshness ay palaban si Angela sa mga mapangahas na eksena. Ginawa niyang stepping stone ang paghuhubad para mapansin ang angking talent niya sa pag-arte. Sa latest original series ng Vivamax ang “High (School) On Sex” na pagbibidahan nila ni Wilbert Ross kasama sina Migs Almendras, Denise Esteban, Kat Dovey, Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista and Mark Carpio, ginampanan ni Angela ang ‘pa-virgin’ effect na estudyante sa kabila ng katotohanan na enjoy siya makipag-sex sa naturang sex-comedy series.
Sa tunay na buhay kaya, paano natutunan ni Angela ang art of sex?
“I learned it from my teacher sa school, she explained it to us. Also from my classmates. Then when I was with my aunt in Singapore, she allowed me to watch porn.
“Sex as a word is not really bad,” say ni Angela.
Just in case na mapasabak si Angela sa kanyang partner na ‘virgin’ pa sa larangan ng pakikipagtalik, willing kaya ang byuti niyang maging titser sa kanilang first sex encounter?
“Ano ba basehan kung magaling ang isang tao sa sex? More important for me is may love between you two and you satisfy each other. Kahit hindi siya magaling, okay lang akong magturo kasi I like being dominant,” say pa rin ni Angela.