Advertisers

Advertisers

Ibang iba na ngayon ang mga botante

0 342

Advertisers

OO! Ibang iba na ngayon ang mga botante kesa noon.

Kung noon ang mga kandidato ay nangangampanya ng todo, naglalatag ng kanilang plataporma de gobierno o mga gagawin kapag nanalo, ngayon ay hindi na ito epektibo. Iilan nalang kasi ang matinong botante.

Dehins na pinakikinggan ng mga botante anuman ang ganda ng mga programa ng bawat kandidato. Balewala narin sa karamihang botante ang house to house campaign, ang caucus, at rally.



Nakakalimutan narin ng mga botante ang anumang utang na loob sa kumakandidato.

Ang hinihintay ngayon ng karamihan sa mga botante ay ang cash na ibibigay sa kanila ng kandidato sa “last hours” o bago ang araw ng eleksyon. Mismo!



Alam ito ng mga traditional politicians (trapo). Kaya nga hindi na sila nagpapakapagod pa sa pangangampanya.

Ang 45 days campaign period para sa lokal ay ginugugol na lamang ng trapo sa pagpa-survey sa mga botante. Kung sino ang may gusto sa kanila o kung sino ang sa kalaban.



Yaong mga ayaw sa kanila (trapo) ay ito yung pinagagapang nila sa kanilang mga lider at pinabibigyan ng mas malaking halaga para botohan sila o mag-abstain nalang (huwag nang bomoto).

Yun namang sa kanila (trapo) talaga, pinabibigyan lang ito ng medyo maliit na halaga, kalahati ng ibinibigay sa binibiling botante.

Kaya kung ikaw ay may planong kumandidato sa 2025, magtabi ka na ng pambili ng boto. Tiisin mo muna ngayon ang maging kuripot sa pagbigay ng tulong, barya-barya lang ang iabot mo. Dahil anumang ayuda ang gawin mo ngayon sa mga ka-lugar mo, nakakalimutan nila ito pagdating ng araw ng eleksyon ‘pag wala kang maiabot sa kanila. Peks man!

Ito ang leksyon na natutunan ko sa pagsali sa mga nakaraang eleksyon: Kung noong panahon ng mga lolo natin ay pagandahan ng programa ang bawat kandidato, ngayon kahit wala kang programa basta may pambili ka ng boto sa last hours, tiyak panalo ka. Mismo!

***

Marami parin pala ang nagsasagawa ng iligal na online sabong.

Tulad ng pinadalang larawan sa akin ng isang concerned citizen mula sa Cagayan. Ang kunwari pa-derby sa La Gallera de Cagayan ay naka-online pala. Sa Gcash ipinadadala ang mga taya.

Ang malupet dito ay sa likod lang ng isang police station ginagawa ang online sabong.

Ganito rin ang istelong ginagawa ng mga illegal operation ng e-sabong sa Pampanga, Bulacan, Laguna at sa Visayas at Mindanao.

Ang bagay na ito ay kinumpirma na ng PNP. Pero hanggang press release lang naman ang operations nila, hindi rin hinuhuli. Kasi may “timbre” sa kanila. Aminin!!!

***

Tama ang ginawa nina defeated presidentiables Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno na hindi na sila komontra pa sa ginawang canvassing ng Kongreso para sa pagproklama sa nanalong presidente at bise presidente.

Tanggap na nga ni Leni ang pagkatalo kay Bongbong Marcos na nakakuha ng mahigit 31 million boto laban sa higit 14 milyon lamang ng una.

Ang problema na lamang ngayon ni BBM ay ang kanyang kinakaharap na disqualification case sa Korte Suprema. Yun nalang ang ating abangan, rapapips!