Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan todas sa riding in tandem sa Cagayan

0 287

Advertisers

TUAO, CAGAYAN – Patay ang isang punong barangay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bicok dito,

Kinilala ang biktima na si Dante Blanza, 61 anyos, may asawa at kapitan ng Barangay Sto. Tomas, Tuao.

Una rito, ang biktima kasama ang kanyang back ride na si Eduardo Montorio, 61, kagawad ng nasabing barangay, ay nagtungo sa opisina ng Department of Agriculture sa Tuao West sakay ng kanilang motorsiklo.



Habang binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Barangay Bicok ng nasabing bayan ay may nakabuntot na dalawang lalake sakay sa isang Honda XRM na motorsiklo at nag-overtake saka pinaputukan ang biktima na tinamaan sa dibdib.

Maswerte namang hindi tinamaa ang angkas na si Montorio.



Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulis sa krimen.(Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">