Advertisers

Advertisers

Tutor buking na paulit-ulit ni-rape ang tinuturuan

0 364

Advertisers

ARESTADO ang isang tutor matapos mabuking ang pangagahasa na ginagawa sa kanyang tinuturuang bata sa Cebu city.

Sa ulat, ang biktima ay 10-anyos lamang.

Ayon sa pulisya, nagduda ang mga magulang ng biktima sa ikinikilos ng tutor kaya naglagay sila ng CCTV sa loob ng kwarto ng anak. Dito ay nabisto ang pangmomolestiya ng tutor sa bata.



Napag-alamang nagsimula ang panghahalay sa bata dalawang taon na ang nakararaan.

Nasa trabaho ang mga magulang ng biktima tuwing nangyayari ang panghahalay.



Posible umanong hindi nakapagsumbong ang bata dahil sa trauma.

Aminado ang tutor sa kanyang pagkakasala at pinagsisihan aniya ito. Sinabi pa nitong hindi siya guro dahil high school lamang ang natapos niya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">