Advertisers

Advertisers

Bahay ni Kap grinanada

0 342

Advertisers

HINAGISAN ng granada ang bahay ng isang kapitan ng barangay sa San Ildefonso, Bulacan, Lunes ng gabi.

Kinilala ang kapitan na si Allan Galvez ng Barangay Alagao, San Ildefonso.

Sira ang ilalim na bahagi ng pick-up na sasakyan ni Galvez dahil sa sharpnel.



Ayon sa pulisya, walang nasaktan sa pagsabog dahil nasa loob ng bahay ang pamilya ng kapitan.

Nakuha ang debris, sharpnel, at safety lever ng granada nang magsagawa ng post-blast investigation ang Bulacan PNP Explosives and Ordinance Division.



Ipinahayag ni Bulacan Provincial Police Director Col. Charlie Cabradilla na inihagis ang pampasabog 30 metro mula sa bahay kung kaya bumagsak lamang ito sa ilalim ng sasakyan.

Iniimbestihagan pa ng pulisya ang insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">