Advertisers

Advertisers

BGY. KAPITAN ‘TINAKAS’ 5 NAGTATANIM NG ‘DAMO’ KINASUHAN!

0 334

Advertisers

SINAMPAHAN ng patong patong na kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang barangay chairman nang pangunahan nito ang pagharang at pagligtas sa 5 limang nahuli ng mga otoridad na nagtatamin ng marijuana sa Tingkalyan, Kalinga.

Ang sinampahan ng kasong administrative at criminal ay si Leon Lammawen Baydon, barangay chairman ng Buscalan, Tingla-yan.

Ayon kay Police Major General Eliseo Cruz, si Baaydon ay sinampahan ng CIDG Kalinga/Aapyao Field Unit at Kalinga PPO ng kasong administrative ng Grave Misconduct sa Office of The Deputy Ombudsman for Luzon, at paglabag sa PD 1829 (Obstruction of Justice) sa Provincial Prosecutors Office, Justice Hall Bulanao sa Tabuk City.



Nabatid na April 25, 2022 nadakip ng PNP Regional Mobile Force Battalion 1502nd Maneuver Company ang 5 katao sa paglabag sa RA 9165, RA 10591 at Comelec habang nagtatamin ng marijuana sa isinagawang operation sa bulubunduking bahagi ng Buscalan.

Nang pabalik na ang mga operatiba kasama ang 5 nadakip patungo sa Baydon Centro, Buscalan, hinarang ni Baydon kasama ang 150 residente na pawang armado ng itak at sapilitan itinakas ang 5 suspek.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">