Advertisers

Advertisers

Divisoria vendors na supporters ni BBM-Sara ‘pinapatay’ ng administrasyong Moreno

0 291

Advertisers

NANAWAGAN ang mga tindera ng Divisoria Public Market sa bagong pangulo ng bansa na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nang walang awang ipinadlak ang kanilang mga tindahan nitong Martes (Mayo 23) ng mga tauhan ng Manila cityhall.

Umiiyak si Evan Tayanes, 53 anyos habang nahahabag sa sinapit nilang mga manininda ng Divisoria mall.

Ayon kay Tayanes, tila unti-unti silang ‘pinapatay’ ng kasalukuyang administrasyon sa Maynila makalipas ang naging resulta ng halalan kung saan nagwaging presidente si BBM sa bansa at natalo si Mayor Isko Moreno Domagoso.



Sinabi ng mga vendors, na posibleng pinopolitika sila nina Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna nang mabatid nilang karamihan sa kanilang pawang mga supporters ni BBM at Sara Duterte.

Ipinahayag ng mga manininda na unti-unti nang nagugutom ang kanilang pamilya dahil sarado na ang kani-kanilang tindahan at sa labas na lamang sila ng palengke nagtitinda na kadalasan inaabutan ng malakas na ulan na posible rin maging dahilan ng kanilang pagkakasakit.

Nakikiusap si Tayanes at kapwa nito manininda kay BBM na pakinggan ang kanilang pagsusumamo na tulungan ang lahat ng mga tinderang naapektuhan ng pagbebenta ng Divisoria market.

“Walang puso ang mga opisyal ng Manila City Hall na sa halip bigyan ng ayuda at kabuhayan sa panahon ng pandemya ang mga tindera, unti-unti nitong papatayin sa gutom ang aming mga pamilya,” wika ni Tayanes.

“Wala naman po akong ibang pagkukunan ng kabuhayan at tanging pagtitinda lamang sa Divisoria ang aming ikinabubuhay, kaya sana huwag naman kaming pagmalupitan ng ganito,” dagdag pa ni Tayanes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">