Advertisers
BINIGYAN-DIIN ng Department of Budget and Management (DBM) na aabot umano sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon ni proclaimed President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023.
Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing.
Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kinabibilangan ng mga economic managers ng bansa.
Ang panukalang budget ay katumbas ng 22.1 percent na gross domestic product ng bansa ayon kay Canda.
Ang budget ceiling na aprubado ng economic managers ay mas mataas kumpara sa P5.242-trillion na inaprubahan ng mga economic team noong December 2021.
Ang DBCC ay kinabibilangan ng mga kalihim ng Socioeconomic Planning, Finance (DOF), Budget and Management (DBM) maging ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). (Josephine Patricio)