Advertisers
IBINIDA ni Senadora Imee Marcos na ang kanilang 92-anyos na ina, dating First Lady Imelda Marcos, ay biglang nawala lahat ng sakit sa katawan nito at nakaramdam ng “extra excited” at “so happy” sa pagkapanalo ng kanyang kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa presidential election nitong Mayo 9.
Ang panalo ni Marcos Jr. ay magbabalik sa kanilang pamilya sa Malakanyang matapos silang patalsikin ng People’s Power noong 1986.
“Siyempre ‘yung nanay ko sobrang excited. Tuwang-tuwa siya sa mga pangyayari,” sabi ni Imee sa mga reporter sa Batasang Pambansa Complex ilang oras bago ang proclamation kay Bongbong bilang 17th President ng Pilipinas.
“She’s suddenly able to hear, to walk, lahat ng sakit-sakit noong panahon ng COVID-19. Lahat ng nararamdaman biglang nawala. Maliksing-maliksi,” dagdag ni Imee. “Parang hindi na siya uli 92, kundi 29.”
Noong 2018, si Imelda Marcos ay na-convict ng Sandiganbayan sa 7 counts ng graft at hinatulan ng maximum 77 years na pagkakulong.
Pero si Imelda, na hindi dumalo sa promulgation ng kanyang conviction, ay nagsabing dumaranas ng “multiple organ infirmities.” (Mylene Alfonso)