Advertisers

Advertisers

HUMAN RIGHTS VIOLATIONS NA WALANG MGA BASEHAN

0 332

Advertisers

PINABULAANAN kamakailan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga alegasyon ng human rights violations na inilabas ng Commission on Human Rights (CHR) at iba pang mga personalidad.

Sa CHR Report on Investigated Killings in Relation to the Anti-Illegal Drug Campaign na lamang, ang sabi ng task force ay walang ibang hangarin kung di ipahiya ang pamahalaan, sa paghahayag na Ang mga patayang naganap ay may basbas nito.

Wala sa 48-pahinang Report na nagsasabi ng may matibay na ebidensiya ang komisyon na kung tutuusin ay parte talaga ng pamahalaan o Administrsyong Duterte.



Hindi ba dapat, na imbes na ilarawan na masama ang naging resulta ng laban sa iligal na droga, dapat ay ipinakita pa ang tagumpay nito.

Gaya na rin ng komentong binitiwan nitong Filipino-American lady lawyer na si Loida Nicolas Lewis laban sa NTF-ELCAC sa isang on-line forum.



Dapat ay inalam muna ni Atty. Lewis ang basehan ng kanyang mga sinasabi, nang hindi siya napapahiya. Kaya tuloy natawag siyang “obscene face of shameless little brown American” ni Undersecretary Lorraine Badoy, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC para sa mga Sectoral Concerns.

Kasi naman, itong si Lewis ay tila di alam ang talagang layunin ng NTF ELCAC na pangunahing mandato ay tapusin na ang limang-dekadang paghaharing uri ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.



Kaya tuloy pati si Assistant Provincial Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, Acting NTF-ELCAC Spokesperson on Legal Affairs, ay hinamon si Lewis na kung talagang nagmamalasakit siya sa bansa, bakit di na lamang niya kondenahin ang mga kagagawan ng mga komunistang-terorista.

Isa pa itong mga taga-UP
(University of the Philippines) na ang President Advisory Council (UP-PAC) ay nagtawag naman ng “walk out” sa mga estudyante nito at sinuspibde ang mga klase dahil lamang sa pagkakapanalo ni Bong Bong Marcos sa pagka-pangulo.

Ito ba ang kanilang tinatawag na “critical thinking”? Parang nabaligtad nila mismo ang kahulugan ng pinaniniwalaang pagkakakilala sa mga taga-UP.

Kailanman hindi hayaan ng ating mga kababayan ang pagiingay ng kakaunti laban sa ninanais ng nakararami. Yan ang umiiral na lakas ng demokrasya.
***
WALANG PROBLEMA KAY SEC. BOYING

GUSTONG makilala o nais lang magpatunog nitong si Patricia Non ang babaeng tinuturing na nagpa-uso ng pantry noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Pero ang pantry na ‘yan ay kinopya lang sa ibang bansa, take note.

Eto kasing si Aling Tricia ay nagsabi na “hindi ko alam kung anong justice system magkakaroon tayo,” kung si Congressman Boying Remulla daw ang magiging ating Secretary of Justice.

Malamang ay bumawi lang itong si Aling Tricia sa sinabi ni Remulla na hindi dapat pinupulitika ang pagsasagawa ng mga pantry at di dapat ginagamit bilang propaganda para siraan ang pamahalaan noong kasagsagan ng pandemic.

Imbes na ituring na magandang suhestiyon ang sinabi ni Remulla para maiturong na totoo ang layunin nila sa kanilang pagtatayo ng pantry bilang pakikipag-bayanihan nila, “negative” pa ang reaksiyon nitong si Aling Trililing.

Bakit kaya may mga ganito tayong mga kababayan?

Sa kanya namang tanong na anong klaseng justice system ang magkaroon tayo kung si Remulla ang uupong justice secretary, isa lang ang tamang sagot – batas lamang ang pagbabatayan ng bago nating kalihim sa justice, dahil ito naman talaga ang sandalan ng lahat ang respetuhin ang batas.

Yan lamang din ang gagawin ni Sec.Remulla kapag naupo na bilang Justice Secretary, ang ipatupad ang mga batas, at walang dapat na humigit pa sa mga ito.

Titiyakin ni Remulla na lahat ng karapatan ng bawat Filipino ay protektado at walang sino man ang makapaglalabag sa mga ito, dahil nasaad ito sa ating mga batas.

Pinatunayan na rin ito ni Boying Remulla na kilalang sumusuporta sa kalayaan at kapayapaan sa pagpapatupad ng mga batas na laban sa terorismo partikular na CPP-NPA-NDF at mga kaalyadong front organizations.

Hindi ba, Aling Patricia?