Advertisers

Advertisers

VP-elect Sara nagsumite na ng SOCE, gumastos ng higit P216M sa kampanya

0 291

Advertisers

MAHIGIT P216 milyon ang kabuuang nagastos sa kampaniya sa nakalipas halalan ang idineklara ni Vice-President Sara Duterte-Carpio na sa kanyang isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.

Sa isinumiteng SOCE, nasa kabuuang P216,190,935.06 ang total expenditures ni VP-elect Sara.

Sa naturang halaga nasa P79,581,690.15 ay mula sa in-kind contributions na natanggap mula sa ibang sources habang P136,609,244.91 naman ay in-kind contributions mula sa kaniyang political party.



Base rin sa isinumiteng SOCE, nakasaad na hindi nakatanggap si Sara ng cash contributions mula sa ibang sources o sa kaniyang political party.

Nauna nang nakapaghain ng SOCE ang running mate ni Duterte-Carpio na si President-elect Ferdinand Marcos Jr kung saan nasa kabuuang mahigit P623 million ang nagastos nito sa kaniyang kampaniya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">