Advertisers

Advertisers

Kai LeBron!

0 376

Advertisers

Yung una magtatangkang makapasok sa 76th NBA Rookie Draft sa ika-23 ng Hunyo. Ang ikalawa naman nagplaplanong magkaroon ng prangkisa sa liga sa pagreretiro.

Yan ang nais tahaking landas ni Kai Sotto 10 araw mula ngayon. Ire naman si LeBron James ibig magkaroon ng sariling koponan base sa Las Vegas sa loob ng NBA.

Kapwa malapit sa puso nating mga tagahanga ng paborito sport.



Si Sotto ang magiging kauna-unahang full-blooded Pinoy at sa Pinas isinilang at lumaki na makakalaro sa pinakasikat na liga sa buong mundo. Inaasahan na mapipili siya sa last 20 sa 2nd round ng drafting na gagawin sa Booklyn, New York.

Ang 7’2 na 232 lbs na sentro ay may soft touch at blocking ability kaya pwedeng-pwede gawin project ng isa sa mga NBA team.



Maaaring hasain muna rin sa pamamagitan ng two-way contract. Magdridrible sa G League affiliate at makikipagsabayan sa ensayo ng koponan sa NBA.

Ang isa pang bentahe ni Kai ay ang malaking Filipino community sa Amerika at maraming Pinoy worldwide na sumusubaybay sa liga nina MJ at LBJ. Eka nga ni Tata Selo ay may mataas na market value.



Ito naman si James ay nagpapahiwatig na mga gustong gawin pagkatapos ng career. Nandiyan nga na magmay-ari ng isang expansion team. Bilang unang bilyonarong player ay kayang-kaya niya ang bumili at mag-maintain ng isang franchise.

Napili niya ang entertainment at game capital dahil sa potential nito na maging major city sa mundo ng basketball.

Bukod diyan ay pinag-iisipan din ni ni LeBron na maging aktibo sa showbiz o kaya sa media man lang.

Mag-aabot sa susunod na season ang 19-anyos na homegrown talent natin at ang tinaguriang 37 year old GOAT na tubong-Akron, Ohio.

Hindi lang tayo sigurado kung magsasabay silang dalawa sa loob ng hardcourt. Kung sakali ay super treat yan sa ating lahat dito sa Manila.

***

Yung bagong uupo na pangulo sa Palasyo mahilig noon mag-enjoy ng PBA ng live sa venue. Oo sa panahon ng Crispa-Toyota ay naiispatan pa siya mismo sa Araneta Colisuem ni Pepeng Kirat. Yun din ang heyday ng liga.

Hindi lang tayo tiyak kung nakakasubaybay pa siya sa mga bagong henerasyon ng mga basketbolista.

***

Napanood na ba ninyo ang pelikula ng Netflix na “Hustle” kung saan bida si Adam Sandler? Ang movie na tungkol sa isang basketball scout at kanyang discovery sa Spain na player ay co-produced nina Sandler, LeBron James at ilan pang kasosyo.

Mga 25 na cagers ang may special appearance sa pelikula. Ilan sa kanila sina Charles Barkley, Allen Iverson, Joel Embid at Kris Middleton.

Susubukan natin ma-access ito ngayong linggo at i-review natin para sa inyo.