Advertisers
SABI ng marami ang pagiging kinatawan ng party-list group ay may kampanyang gaya sa mga tumatakbong senador. Tama naman, dahil kung gusto mong manalo bilang party-list representative, kailangan mong mangampanya at umikot sa lahat ng sulok ng Pilipinas para manalo.
Mas mainam nga kung mayroon kang balwarte na tinatawag o lugar kung saan may malaki kang boto na makukuha. Ang ibang strategy naman ay dinadaan sa madaling tandaan na pangalan, tulad ng nag-number 1 sa laban ng mga party-list – ang ACT-CIS, o kaya’y ang pumangalawang nanalo na 1-Rider na nakuha ang boto ng lahat halos ng may motorsiklo.
Kalimitan, ang balwarte ay nanggagaling sa probinsiya ng nominadong kinatawan ng tumatakbong Partylist, gaya ng Ako Bicol, Uswag Ilonggo, An Waray, Ako Bisaya at Ako Ilocano.
63 posisyon sa pagka-congressman ang nakalaan para sa Party-List System at ito ay maaaring punuan ng mga tumakbong grupo sa hanggang tatlong pwesto kung talagang maraming nakuhang boto gaya ng ACT-CIS. Tatlo ang maaaring umupong representate nila.
Ang bagong-sali na Uswag Ilonggo na lang, ay nagpakitang gilas ng makakuha ito ng botong higit sa anim na raang libo (600k+), karamihan dito ay nanggaling sa Western Visayas o sa kanilang balwarte sa Ilo-ilo at mga probinsiya ng Aklan, Capiz, Guimaras, at Iloilo City.
Ang Anakalusugan naman na balwarte ay Batangas ay sumegunda sa talagang nakabase doon na Batangas
Agricultural Sector Alliance of the Philippines (Agap). Kumurot din sa balwarte na ito ang Party-List ni Senador Bong Revilla na Agimat kahit balwarte na nito ang Cavite at Rizal.
Ang mga taga-Bicol naman ay nagkaroon na ng dalawang Party-list mula sa laging nanalong Ako Bicol mayroon na ring Bicol Saro na humakot ng boto sa probinsiyano ito.
Ang Abante Pangasinan-Ilokano Party (API) ay nagsolo rin sa kanilang balwarteng rehiyon, kasama ang Abono at Pangasinan Probinsyano Ako.
Mahalaga ang balwarte kung baga’, at kahit nga dito sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon na may mahigit 23 milyong botante nag-agawan ang mga Party-List sa pangangampanya noong nagdaang halalan.
Dito nakahakot ng boto ang Patrol Party-List lalo na ang 1-Rider. Kahit nga ang Tutok to Win, ay nakakuha ng boto sa rehiyong nabanggit ko.
Pero ang pinaka-mahalaga, anuman ang kanilang sektor na kinakatawan,magampanan sana ng kani-kanilang representate ang tungkuling inatang sa kanila ng mga nagtiwalang mga botante at hindi pagsamantalahan ang tiwalang iginawad sa kanila.