Advertisers
Nasawi ang dalawang miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) habang isang pulis ang sugatan ng maka-engkwentro ang mga elemento ng PNP Anti- Kidnapping Group sa isinagawang operarasyon sa Pililia, Rizal nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Rolly Reyes Castillo at Jerameel A. Ventura.
Habang nilalapatan naman ng lunas sa Hospital ang sugatan si Pat Jishua Lingayo sanhi ng tinamon tama ng bala sa katawan.
Ayon kay BGen Rudolph B Dimas Director PNP-AKG, 2:30 ng madaling araw ng maganap ang engkwentro sa Pililia, Rizal.
Sa report, kinidnap ng mga armadong suspek ang biktima na isang estudyante at negosyante nang harangin ng isang motorcycle at Honda CRV na may plakang XJC 170 noong June 3, 2022 sa San Rafael Village, Tondo Manila.
Tinawagang ng mga suspek ang pamilya ng biktima at humihingi ng P100 million ransom kapalit ng pagpapalaya sa biktima.
Dahil sa laki ng hinihingi ransom ng mga suspek, humingi ng tulog ang pamilya ng biktima sa mga otoridad at nagkaroon ng negosasyon hanggang sa mapababa ang ransom at nagkasundo sa presyo.
Inatasan ng mga suspek ang pamilya na dahil ang pera sa Pakil, Laguna at nang makuha ang ransom pinalaya ang biktima sa Imall Famy sa Laguna.
Agad naman nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad hanggang sa Pililia, Rizal na nauwi sa engkwentro na ikinasawi ng 2 mga suspek at pagkakasugat ni Pat Lingayo.
Narekober ng mga operatiba ang isang Honda CRV, na may plakang XJC170 na gimamit sa pagkindanp sa biktima, caliber 45 pistol, caliber 9mm taurus pistol, ingram machine pistol, mga bala, identification cards, 2 pcs ng handcuffs, 2 cellular phones, at mga gamot.
Dinala sa ospital sa Pasig si Pat Lingayo upang malapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa iba pang mga kasamahan ng 2 napatay sa kidnaper.(Mark Obleada)