Advertisers

Advertisers

Tambayan@Tutuban, bukas na!

0 483

Advertisers

NAGING patok ngayon sa masang mamimili at iba pang parokyano ng Tutuban shopping center ang bagong pakulo sa foodpark nito na tinatawag na Tambayan@Tutuban.

Maraming pamilya, kabataan at barkadahan ang dumagsa sa nasabing lugar sa pagbubukas nito noong araw ng Biyernes (Hunyo 17, 2022) na pinamamahalaan ng SBE events kung saan isa si George Domingo sa mga organizer.

Bida ang iba’t-ibang mga masasarap na pagkain na mabibili sa lugar sa murang halaga. Tampok dito ang mga street foods, Korean, Japanese, Chinese tulad ng barbecue, samgyup, yakitori, inihaw, empanada at marami pang iba.



Bukod sa mga kainan mayroon din mga ilang tindahan ng mga pagkain pwede ipasalubong sa mga mahal sa buhay, novelty items, halaman, pet at home product. Mayroon din maliit na arcade o palaruan ang lugar kung saan masayang naglalaro ang mga bata habang nag-aantay sa kanilang pagkain o habang nagpapahinga pagkatapos kumain.

Isa ang ‘Annyeong Samgyupsal Express’ na pinagkakaguluhan ng mga dumarayo ngayon sa Tambayan@Tutuban.



Hindi mo na kailangan pang pumunta sa malalayong lugar upang matikman lamang ang masarap na samgyupsal dahil sa Tutuban matatagpuan mo na ito. Mura na at kalidad pa ang lasa dahil sa mahusay na Chief ng ‘Annyeong Samgyupsal Express’ na si Rogie Arroyo.

Ayon kay Arroyo, authentic korean product ang kanilang inihahain sa kanilang mga kustomer kaya binabalik-balikan sila. Maging ang ilan nilang mga sangay sa ibang bahagi ng bansa pinuputakte ng mga mahilig kumain ng masarap. Welcome din ang kanilang establisimento sa mga nagnanais na mag-franchise.



Sinabi naman ni Domingo, umpisa pa lang ito sa napakarami nilang plano para sa lugar at tinitiyak nila sa mga bibisita sa Tambayan@Tutuban na mas marami pa silang aasahang mga pakulo na gaganapin sa mga darating na araw tulad ng Battle of the Band at Miss Little Tutuban.

Bukas ang Tambayan@Tutuban simula 11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hatinggabi araw-araw, na matatagpuan sa Fiesta Market ng Tutuban center.

“Halina at dayuin po natin ang Tambayan@Tutuban habang nagfu-foodtrip at nakikinig ng live band kasama ang ating pamilya o barkada,” panghihikayat ni Domingo.