Advertisers
MANATILI lamang sa puwesto o mabigyan ng posisyon sa incoming administration, todo sipsip ngayon kay incoming President Bongbong Marcos Jr. ang mga personalidad na gusto magserbisyo kuno sa gobierno.
Yung mga co-termino ni outgoing President Rody Duterte na dati-rati ay kontra kay BBM (Bongbong Marcos) ay todo puri ngayon sa incoming President, yung iba naghanap ng padrino para makalapit kay Dayunyor at makabalik sa puwesto o makaposisyon sa papasok na bagong administrasyon.
Yung mga gabinete ni Duterte ay todo payo kay BBM na ito raw ang dapat gawin para maibsan ang problema sa ganito, sa ganyan. Samantalang anim na taon na sila sa puwesto ay hindi nagawa ang sinasabi nila. Animal!
Tulad ng mga opisyal ni Duterte sa Agrikultura, panay ang payo kay BBM na ito ang dapat gawin para raw matupad ang “aspiration” ng huli na P20 kada kilo ng bigas. Eh anim na taon na siya sa departamento, hindi niya nagawa. Tapos ngayon magpapayo ng dapat gawin ng incoming Agriculture Secretary na Pangulo. Ulol!
Meron naman dyan panay ang post sa social media ng mga dapat gawin ni BBM para raw maresolba ang problema ng mga magsasaka at mangingisda. Eh ilang taon narin siya sa posisyon hindi niya nagawa, tapos magpapayo ang animal. “Iyot!”, sabi ng mga Bisaya. Hehehe…
Mayroon din dyan nagpapayo tungkol sa graft and corruption, ipinost pa sa social media ang mga numero ng kanya kuno nakasuhan at napakulong. Pero sa totoo lang, ang mga nakasuhan at napukulong ng opisina niya’y yung mga pipitsugin lang at hindi kaalyado sa politika. Ang pinakamasaklap, kapatid niya ang nakasuhan ng Graft ng Ombudsman. Yawa!
Yung isa dyan, nakipagbati sa dati nyang kagalit na dikit kay BBM para lamang makalapit sa huli at manatili sa puwesto. Nilulon ng mokong ang kanyang yabang. Hehehe…
Yung isang Heneral ng pulisya nga todo bully ang ginagawa sa mga militanteng grupo para lang mapansin ni BBM at hindi ito maalis sa pinakamakatas na posisyon.
Pero kung ako kay BBM, itong mga personalidad na nambobola at sumisipsip sa kanya para makapuwesto, hindi ko ito kukunin. Dahil sigurado ako na iba ang layunin ng mga ito: hindi ang magserbisyo kundi ang mangulimbat at mag-aastang untouchable. Mismo!
Sabi nga ng beteranong brodkaster na si Deo Macalma ng DZRH: Yung mga nag-aaplay kay Bongbong Marcos sa makakatas na posisyon tulad ng Bureau of Customs at Public Works ay makabubuti na huwag kunin, dahil iba ang gagawin ng mga ito. Mas makabubuti, aniya, na si BBM nalang ang mamili ng kanyang ipupuwesto. Mismo!
Sa kabilang banda, may isang Heneral ng pulisya namang binubuhay ang Vice Presidential Guard. Sumisipsip ito kay incoming Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio. Batid niya kasing malaki ang posibilidad na si Sara ang sunod na Presidente. Hehehe…
Pero si Sara ay mahirap bolahin, hindi nga ito napapasunod ng kanyang Tatay Digong eh. Tama ba ako pareng “Konsehal” Edgar Ibuyan of Davao City?
Kung gusto mo mapalapit kay Inday Sara, huwag kang sisipsip, sa halip ay ipakita mo ang iyong kakayahan at seriousness sa pagseserbisyo. Tiyak magiging okey kayo.
Goodluck sa BBM-Sara tandem para sa anim na taong pagseserbisyo sa higit 110 milyong Pinoy.
Mabuhay!