Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis todas sa 10 wheeler truck

0 197

Advertisers

BATANGAS – Dead on arrival ang isang hepe ng pulisya nang aksidente bumangga ang sinasakyan nito sa isang ten wheeler truck, Moyerkoles ng madaling araw sa kahabaan ng Barangay Tulo bayan ng Taal.

Kinilala ang biktimang si PMajor Amiel Bernardo Jr., Chief of Police ng Lian Police Station, naninirahan sa Calicanto Batangas City.

Samantala, nahuli naman ang salarin na truck driver na si Salvador Segfred.



Sa ulat ng Taal Police Station, naganap ang insidente ala-1:10 ng madaling araw nitong Miyerkoles.

Napag-alaman na kasalukuyang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Barangay Tulo lulan ng kanyang minamanehong kulay puting Toyota Fortuner na may plakang AVA-7245 na patungong Batangas City nang aksidente itong mabangga ng isang Ten Wheeler Truck na may plakang ABK -1711 na minamaneho ni Segfred.



Nabatid sa ulat na patungong Batangas City ang sasakyan ng biktima kung saan aksidenteng magkabanggaan ang mga ito na nagresulta sa pagkasawi ng Chief of Police.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">