Advertisers

Advertisers

Pagpapalakas ng partnership sa iba’t ibang bansa tiniyak ni PBBM

0 185

Advertisers

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na determinado siyang palakasin pa ang magandang relasyon sa pagitan ng iba’t ibang mga bansa upang makatulong sa pagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng bansa, mabilis makarekober sa epekto ng pandemya at magkaroon ng balance, matibay at bagong global environment.

Ang pagtiyak ay ginawa ng pangulo sa isinagawang Vin d’Honneur sa National Museum nitong Huwebes.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, napag-usapan din sa ginanap na Vin d’Honneur ang pagharap sa epekto ng climate change.



Naniniwala ang pangulo na lahat ng ambassadors at representatives mula sa iba’t ibang bansa ay kinakailangang magtulungan para sa mitigation at adaptation dahil sa climate change.

Mahalaga aniya itong matutukan dahil pinaka- vulnerable ang bansa sa epekto ng climate change.