Advertisers

Advertisers

Kylie pinaiyak muli ni Aljur; Tyler ipinalit ni Rabiya kay Jeric?

0 239

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS mahigit na isang taon na hiwalay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica dahil sa may dalawa silang anak na lalake ay tuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa. Hindi rin pinagdadamot ni Kylie ang mga anak na makasama ng mga ito ang ama. At nitong huling pagsasama ng mag-aama ay literal na muling ‘pinaiyak’ ni Aljur si Kylie sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang video clip kay Kylie ni Aljur na makikita ang panganay na anak nila na si Alas Joaquin habang ito ay nagsasanay lumangoy sa isang swimming pool.
Habang pinapanood ni Kylie ang naturang video ay unti-unti raw pumapatak ang kanyang mga luha. At nirepost ni Kylie ang video na nilagyan pa niya ng komentong;
“Aljur sent this to me today.
Oh my child you put mama in a state of awe. I can only watch you grow into your own human being. Gosh lahat nalang iniiyakan ni mama huhuhuhu.”
And speaking of Kylie, habang patuloy ang pagtaas ng ratings ng kanyang balik-serye na “Bolera” ay tuluy-tuloy na rin ang Kapuso actress sa shooting ng first movie niya together with Kapamilya Gerald Anderon, ang “Unravel”.
***
MARAMING followers ni Jeric Gonzales ang nagreak sa pagkomento ng ex-girlfriend ng aktor na si Rabiya Mateo sa dating PBB Housemate na si Tyler Mata. Taas ang kilay na nagtatanong kung may bago agad na kapalit si Jeric sa puso ni Rabiya. Ganun nga ba kabilis para sa isang dating Miss Universe Philippines ang magpalit ng boypren? O di nga ba halos ilang linggo lang ang nakakaraan ng ginulat ng marami ang break up nina Rabiya at Jeric. Ni hindi nga halos tumagal ng ilang buwan ang kanilang relasyon. Katatapos lang kasi ng isyu ng hiwalayan nina Rabiya at Jeric after nilang umamin sa kanilang relasyon nitong nakalipas na March. Sa ngayon ay nag-unfollow-han na sila at deleted na rin ang mga photos nila together sa IG account ng isa’t isa.
Si Tyler na nga ba ang kapalit ni Jeric kay Rabiya? Kung pagbabasehan kasi sa palitan ng komento ng dalawa sa uploaded picture ni Tyler ay masasabing may ‘something’ na nga sila. Si Tyler kaya ang dahilan ng break up nina Rabiya at Jeric?
Sa kanyang Instagram Story, nag-share ng photo ni Tyler at kanyang message of appreciation si Rabiya para sa PBB alum sa suporta umano nito sa kanya.
“Thank you for always being there in my lowest. See you soon, @itstylermata.”
Ini-repost naman ito ni Tyler at naglakip ng reply na:
“Always got you.”
Si Tyler kaya ang naging inspirasyon ni Rabiya para maglagay ng isang cryptic IG post kamakailan lamang at tila patama sa dating boypren:
“Hi! Ako pala yung sinaing mo. Joke!”