Advertisers

Advertisers

Sibuyanons nagwawala na vs mining sa isla

0 289

Advertisers

NAGWAWALA na ang mga concerned Sibuyanon sa nangyayaring pagmimina sa kanilang isla.

Sa kanilang group chat, Protect Sibuyan, minumura nila ang mga politiko na sa tingin nila ay responsable sa pagpasok ng Altai Philippines Mining Corporation/Dynamo Atlantic Ltd. na pag-aari umano ng isang Kenneth Gatchalian.

Kaano-ano kaya ni Senador “Win” Gatchalian itong Kenneth Gatchalian?



Sinisisi ni Ben ang kanilang alkalde sa bayan ng San Fernando na si Nanette Tansingco: “Honorable Mayor Nanette Tangsingco, we place you to a sensitive position in our municipality as Father with HOPE and EXPECTATION that in times like this our precious and paradise island is at the verge of devastation, you will protect. But where are you? Yes you are here but instead of doing remedial measures to stop this mining, you even protect them instead. Therefore I am contrained much to regret to say ‘We are bandoned by your administration.’”

Pinupulutan din sa group chat ang kinatawan ng lone district ng Romblon na si Jesus Madrona. Na iba raw ang ginagawa sa sinasabi, matapos ang inaugural speech niya kungsaan binanggit niya ang pagpayabong sa turismo sa Romblon.



“In their inaugural speeches, President Bongbong Marcos and Congressman Budoy Madrona prioritize tourism. Tourism industry in Sibuyan island will generally be difficult to market if this natural beauty will be mined. Hence, the local government units in Sibuyan island must find all the ways to reject all mining applications and revoke the Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) of Altai Philippines Mining Corporation/Dynamo Atlantic Ltd. immediately.” – Bayay Sibuyanon

“Tang inang bakla yan…Iba ang gina-ubra sa iya gina- hambay. Maayo ina saksakan bo*@# ang nguso. Subrang sipsip,” – Nonong



“Sana matuod ina ang mga ginahambay ninda,” – Daxie

“Wala na ang hugis puso sa kaisipan ni Boday kundi hugis pilak na. Kay dako gid ina ang kikitain nya.” – Lan

“Ang hambay gani ng mga pulis dire sa amon, mapatay nalang naghimo pa kabalastugan. Igwa gali ina sakit, hambay ng pulis na taga-Romblon. Hangit man sinda kay Budoy kay nagtugot kuno na minahon ang Sibuyan.” – Mary Jane

Kung ano-ano pang mga brutal na salita ang mababasa sa group chat laban sa mga politiko na sa tingin nila ay silang nasa likod ng pagmimina sa isla ng Sibuyan.

Ang Sibuyan island, na mayroong tatlong bayan, ang tanging lugar sa Pilipinas na mayroong virgin forest at kahanga-hangang hugis ng bundok, Mt. Guiting Guiting, na nanganganib ding masira dahil sa planong paggawa rito ng mga kalsada patawid sa bawat bayan tulad ng ginawa sa Tablas island.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, isang tao lang ang may plano o may gawa ng lahat ng ito, ang trapo na kinikilalang diyosa ng politika sa probinsiya.

Mapipigilan lang ang pagkasira ng mga kabundukan sa lalawigan at mapalayas ang pesteng nagmimina sa Sibuyan kapag nawala sa puwesto ang isang trapo na higit 30 years nang nagsasamantala sa kapangyarihan.

Oo! Hangga’t nasa puwesto ang trapong ito, mauubos sa pagkasira ng mga bundok sa Romblon. Mismo!

Kung bakit gumagawa sila ng mga kalsada sa mga bundok na hindi naman nadadaanan, aba’y easy money kasi ito. Tagong korapsyon!!!