Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush

0 621

Advertisers

PATAY ang isang pulis matapos tambangan sa Las Piñas City, Martes ng umaga.Kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Julius Sayasa Fabre, 39, nakatalaga sa Southern Police District.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, sakay ng motorsiklo ang biktima pauwi sa kaniyang bahay nang paulanan ito ng bala ng dalawang hindi pa nakikilang salarin sa may bahagi ng Villareal Street, Manuyo Uno.

Ayon pa sa report, bumibili ng chicken feeds sa isang supply store si Fabre sa may bahagi ng Padre Diego Sierra Street 7:45 ng umaga nang pagbabarilin ng mga sakay ng SUV na puting Ford Everest.



Naisugod pa ng ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng attending physician dahil sa tama ng mga bala ng baril sa katawan.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang sa pulis. (Gaynor Bonilla)