Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
KATATAPOS lamang umere ng finale ng First Lady na isa si Cai Cortez sa mga cast members na pinangunahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Ano ang masasabi ni Cai na kahit sa pinakahuling episode nila ay namayagpag ang mataas na rating ng First Lady?
“Nakaka-proud po talaga,” bulalas ni Cai. “Kasi ito yung isa sa mga project na masasabi kong dahil two years kaming araw-araw halos nasa isang lugar lang di ba, we live together.
“Ang longest po namin na lock in is two months so to see yung hard work po ng lahat sa last few episodes lalo parang nakaka-overwhelm po talaga kasi… hindi ko masyadong matanggap na tapos na!
“Di ba? Na magbabago na yung buhay namin, we’lll have new other lives, may ibang mga pinagkakabisihan.
“Pero kaya po itong Daig came at a very time dahil it showed me na, alam mo yun, kahit walang First Lady there’s still a chance to meet new people and make new families and create new beautiful creative shows.”
May Book 3 ba ang First Yaya at First Lady?
“Naku, sana po! Lahat po kami naka-cross ang fingers, toes and hair para po magkatotoo yan!
“So abangan po natin kung papalarin po tayong magkaroon ng Book 3.”
Mapapanood si Cai sa apat na linggo (July 10, 17, 24 at 31) 7 pm sa 5th anniversary ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Pinamagatang Bida Kontrabida, gaganap dito si Cai bilang Sea Witch na kasama niya sina Rufa Mae Quinto (Evil Queen), Andre Paras (Big Bad Wolf) at Jo Berry (Rumplestiltskin).
***
TINANONG namin si Zoren Legaspi kung ano ang maipapayo niya sa mga tulad niyang mister para manatiling loyal at honest sa kanilang misis at kung paano umiwas sa tukso?
“Ang tukso ay araw-araw nandiyan ‘yan in different forms. Hindi lalayo ‘yan, gaya nga sabi ng kanta “o tukso layuan mo ako.”
Ano na ang pinakagrabeng nagawa ni Zoren nang dahil sa pag-ibig?
“’Yung surprise wedding po namin.”
Isang grande at pabulosong wedding ceremonies ang ipinang-sorpresa ni Zoren kay Carmina Villarroel noong November 15, 2012.
Paano ide-describe ni Zoren ang kanyang sarili bilang isang asawa?
“hhhhmmmmmm flexible.”
Ano ang sekreto ng matibay at tumatagal na pagmamahalan nila ni Carmina?
“Understanding and accepting your partner for what he or she is.”
Tinanong din namin si Zoren kung ano ang naging reaksyon niya na nag-viral ang steamy lovescenes nila ni Lianne Valentin sa Apoy Sa Langit?
“We have no idea that it will go viral. More so, sa napakabilis ng pag-viral niya.”
Sa Apoy Sa Langit ay gumaganap si Zoren bilang si Cesar at mistress naman o kabit niya si Stella na ginagampanan naman ni Lianne.
Nasa cast din ng Apoy Sa Langit sina Maricel Laxa bilang si Gemma, Mikee Quintos bilang si Ning, Mariz Ricketts bilang si Blessie, Carlos Siguion Reyna bilang si Edong, Dave Bornea bilang si Anthony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo bilang si Iyah, Patricia Ismael bilang si Lucy at Mio Maranan bilang si Toto.
Ang Apoy Sa Langit ay sa direksyon ni Laurice Guillen.
***
DAHIL The Fake Life ang kanilang serye, at dahil may mga bagay na hindi natin maiiwasan na kailangang i-fake natin dahil kinakailangan, may maibabahagi ba si Ariel Rivera na isang bagay o sitwasyon na hindi niya naiwasang pekein dahil wala ng iba pang choice?
“This happens more frequently than I want to admit. When you’re doing a concert you forget lyrics. Gumawa ka ng sarili mong lyrics,” at tumawa si Ariel.
“If you can’t perform, japorms,” ang patuloy na tumatawang sinabi pa ng actor/singer. “Yun lang, ganun, that simple.
“Tumutugtog yung music e. hindi mo naman puwedeng sabihing ‘Stop the music!’
“So you fake your own, you make up your own lyrics.”
Napapanood sa GMA Afternoon Prime, gumaganap sa The Fake Life bukod kay Ariel sina Beauty Gonzales bilang Cindy Villamor, Sid Lucero bilang Mark Santiaguel, Shanelle Agustin bilang Jaycie Villamor, Carlos Dala bilang Jonjon Villamor, Tetchie Agbayani bilang Sonya de Guzman, Will Ashley bilang Peter Luna, Rina Reyes bilang Jean Luna, Saviour Ramos bilang Caloy Luna, Jenny Miller bilang Margaux Nova at Faye Lorenzo bilang Jai de Castro.
May special participation sa The Fake Life sina Bea Binene bilang young Cindy, Kristoffer Martin bilang young Onats, Candy Pangilinan bilang young Sonya, at Jake Vargas bilang young Mark.
Ang The Fake Life ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.