Advertisers
HUMANDA nang tumawa at manalo ng mga papremyo sa bago at original countdown variety show ng GMA Network, ang TiktoClock!
Magpapaulan ng saya at sorpresa ang newest morning TikTropa na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo sa Kapuso viewers.
Tampok sa TiktoClock ang iba’t ibang palaro, sayawan, at kantahan na mas pina-intense ng giant clock. Sa show na ito, bawat minuto ay mahalaga. Bawat countdown, may panibagong aabangan. Pwede ring manalo ng cash at gift prizes ang studio audience at home viewers.
Tutukan ang pag-arangkada ng TiktoClock ngayong Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, tuwing 11:15 ng umaga sa GMA-7.