Advertisers

Advertisers

Rock Diva Of the Philippines Mystica humahataw sa Las Vegas, may pakiusap sa mga vlogger; JC Garcia kilala sa “SMULE”

0 830

Advertisers

Ni PETER D. LEDESMA

YES, mukhang lucky charm ni Mystica ang kanyang American guy honey, at pagdating sa mga concert ay hindi nababakante ang tinaguriang Rock Diva of the Philippines sa U.S.
Naging successful ang Birthday Concert ni Mystica last month sa The Axum Palace Restaurant sa Las Vegas, Nevada, USA. Hindi rin nagpakabog si Mystica sa mga kasabay na concert last July 10 na “The Four Kings and A Queen” nina Rey Valera, Nonoy Zuniga, Marco Sison, Hajji Alejandro, at Ms. Pops Fernandez. At very happy and overwhelming si Mystica at lahat ng gawin niyang show sa Las Vegas ay napupuno.
Samantala, dahil she’s living good na in Las Vegas na masigla ang career, ayaw na ng multi-talented singer-actress (Mystica) na masangkot siya sa anumang intriga. Kaya agad nitong kinlaro sa kanyang Official Facebook Page ang fake news na ikinakalat ng mga vlogger na paborito siyang pagpiyestahan na hindi totoong may bago siyang interview o komento kina Presidente Bongbong Marcos at Vice Pres. Sara Duterte.
Not true raw na tinawag niyang “Bobo” ang mga bumoto kay PBMM and Bise Sara. “Please don’t judge me. And be fair naman. My comments about the candidacy of PBMM and Vice Sara was last year, 2021 pa.
“I don’t want to have enemy and I’m sweet now and making money and more more shows to come for me.” Say pa ni Mystica sa kanyang social media account na umani na ng 56K views and still counting.
***
KILALANG-kilala na ang singer/dancer/concert performer na si JC Garcia, sa “SMULE,” ang no.1 Social Singing App na kinagigiliwan sa buong mundo.
Yes, tuwing may time si Jc ay agad siyang nagla-live sa SMULE na solo siyang kumakanta at minsan ay may mga ka-duet itong Pinoy and Hollywood singers.
In all fairness, nangangabog ang taas ng timbre ng boses ng nasabing international singer. Sa isang event naman, most applauded ang pagkanta ni JC ng “LUPANG HINIRANG.” Sobrang ganda naman kasi ng version o rendition niya ng ating Pambansang Awit ng Pilipinas. Maging ang inyong columnist ay sobrang napahanga sa pagkakaawit nito ng naturang kanta.
Malapit na palang mapanood si JC sa concert entitled “THE HOT HAVANA NIGHTS” na muli silang magkakasama ng kanyang Bff at co-recording artist na si Yolanda A. Siracusa at Michael Reyes-Lobo. Gaganapin ito sa The Fort Mckinley Resto and Bar sa South San Francisco, California. And for sure, this is a Night to Remember dahil sa mga kakantahin nina JC, Yolanda, and Michael. Sa August 6 pa ito mapapanood pero marami na ang bumili ng tickets. Soon ay may dalawa pang malalaking concert si JC.