Advertisers

Advertisers

Junna Tsukii tatanggap ng P1 million mula sa PSC

0 315

Advertisers

TATANGGAP ng halagang P 1 million gantimpala si Junna Tsukii mula sa Philippine Sports Commission dahil s pagkapanalo ng gold medal sa World Games 2022 sa Brimingham, Alabama.

Ang bonus ay base sa Republic Act 10699, o kayay tinatawag na Incentives Act, kung saan ang atleta na nagwagi ng medalya sa Southeast Asian Games, Asian Games, Olympics at iba pang major international competitions ay gagantimpalaan naayon sa kanilang pagsisikap.

Nasungkit ni Tsukii ang unang gintong medalya ng bansa ngayon taon edition ng Games matapos pagharian ang women’s- 50kg division.



Nagwagi ang Fil-Japanese kontra Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0 at maging unang Filipino medalist ngayon edition.

Tsukii rin ang naging pangalawang gold medalist sa World Games matapos kay billiards champion Carlo Biado na natumbok ang 9-ball men’s singles gold sa 2017 edition sa Wroclaw, Poland.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">