Advertisers

Advertisers

Dalagita ginahasa, at nobyo pinatay sa harapan

0 497

Advertisers

KARUMAL-DUMAL ang nangyari sa magkasintahan sa bayan ng Boac, Marinduque, matapos silang pasukin ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang nagka-camping sa tabindagat sa Barangay Ihatub.

Sa ulat ng Boac Municipal Police Station, bandang ala-una ng madaling araw nang pasukin ang magka-sintahan.

Kwento ng 17-taon gulang na biktimang babae, pinatay ng salarin sa kanyang harapan ang kanyang boyfriend gamit ang isang patalim.



Agad siyang tumakbo palabas ngunit hinabol siya ng salarin at sinugatan sa leeg, at pinilit na maghubad hanggang sa gahasain ito.

Tinangay rin ng salarin ang pera at cellphone ng mga biktima.



Matapos ang krimen, tumakas ang salarin. Ang ang biktimang babae naman ay naghintay sa kalsada kungsaan siya nadaanan ng delivery rider na si Russel Prieto Malapajo na nagdala sa kanya sa ospital.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(Romblon News Network)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">