Advertisers

Advertisers

BONG GO: KAPAKANAN NG PWDs, PAG-IWAS SA KAPANSANAN MAS BIGYANG ATENSYON

0 242

Advertisers

Habang ipinagdiriwang ng bansa ang Disability Prevention and Rehabilitation Week tuwing ikatlong linggo ng Hulyo, umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno, partikular sa mga kinauukulang ahensya, na bigyan ng higit na atensyon ang interes ng persons with disabilities maging ang pag-iwas sa mga kapansanan.

“I look forward to our continued efforts to support our fellow Filipinos who may have disabilities but are equally capable of contributing to nation-building and leading the same lives as everyone else as we observe the Disability Prevention and Rehabilitation Week,” ayon kay Go.

“Lagi kong sinasabi na walang Pilipino ang dapat maiwan. Lalo na sa panahon ngayon na may pandemya, mas paiigtingin pa natin ang ating kampanya para sa ating mga kababayang PWDs,” dagdag ng senador.



Alinsunod sa Proclamation No. 1870 (s. 1970), na sinususugan ng Proclamation No. 361 (s. 2000) at Adminstrative Order No. 35 (s. 2002), ang taunang paggunita sa naturang week-long event ay layong itaas ang kamalayan ng publiko sa mga isyu at problemang may kaugnayan sa kapansanan.

Hinihikayat din ang lahat na aktibong lumahok sa pagpapabuti ng pang-ekonomiya at panlipunang kalagayan ng mga PWD.



Tiniyak ni Go sa sambayanang Pilipino na patuloy niyang ipaglalaban ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access sa mas mahusay na mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, kilang dito ang programang Malasakit Centers.

“Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan naroon ang apat na ahensya ng gobyerno na makatutulong sa medical expenses ng lahat ng pasyente, inpatient man o outpatient,” ani Go.



“Pinadali ng Malasakit Center para sa lahat ang medical assistance. Wala nang linya, at wala ring mahabang proseso. Kaya para sa aking mga kababayan, lalo na ang PWDs, hindi na kayo mahihirapan pang pumunta sa ospital para magpa-check-up dahil nariyan na ang serbisyong makatao at maka-Pilipino,” anang senador.

Noong 2019, pangunahing inakda at itinaguyod ni Go ang panukala na naging Republic Act No. 11463 na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Ang pangunahing layunin ng Malasakit Center ay makatulong na bawasan ang singil sa ospital ng isang pasyente sa pinakamababang halaga sa pamamagitan ng pagsakop sa iba’t ibang serbisyo at gastusin, tulad ng mga operasyon, laboratoryo at mga gamot sa pamamagitan ng mga kasalukuyang programa ng tulong medikal.

Ang mga center ay mayroon ding mga espesyal na linya para sa mga PWD at senior citizen.

“Magtulungan tayo para lalo pang mapabuti ang sistema at maibigay sa ating kapwa Pilipino, lalo na sa mga PWD, ang katarungan at kaunlaran sa pamumuhay,” ani Go.