Magulang hinikayat ni Mayor Honey na pabakunahan na ang mga anak
Advertisers
HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga magulang o guardians na pabakunahan na ang kanilang mga anak kung eligible na ang mga ito bilang paghahanda sa face-to-face classes sa November.
“Habang may panahon pa ay nananawagan tayo sa mga magulang, lolo at lola, pabakunahan na po ninyo nang kumpleto ang mga anak at apo ninyo,” sabi Lacuna.
Tiniyak din ni Lacuna na walang hinto ang vaccination para sa eligible population sa kabisera ng bansa.
Ayon kay Lacuna ang mga edad lima hanggang 11 ay maaari ng magpaturo ng kanilang first at second doses habang ang edad 12 hanggang 17 ay maaari namang makapagpaturok ng kanilang first, second at booster shots.
Ayon pa sa alkalde, ang mga menor de edad na 12 hanggang 17 na immunocompromised ay iminumungkahi na magpabakuna sa six city-run hospitals na kinabibilangan ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.
Sa ganitong paraan ay mababantayan ang vaccinees sa posibleng epekto ng bakuna sa kanila, paliwanag ni Lacuna.
Ang mga hindi naman immunocompromised ay maaaring magpabakuna sa mga health centers, designated shopping malls at maging sa ospital
Iginiit ni Lacuna na isa ring doktor na kailangang magpabakuna at magpa-booster dahil dagdag proteksyon ito laban sa COVID-19 na nananatiling nasa paligid lamang. (ANDI GARCIA)