Advertisers

Advertisers

Honest driver nagsoli ng P1.6m naiwan sa taxi

0 277

Advertisers

Sa kabila ng malaking halaga, hindi natukso at sinoli ng isang driver ang P1.6 milyong cash na naiwan sa minamaneho niyang taxi.

Ayon sa taxi driver na si Juan Carlos Martin, mag-aalas otso ng gabi noong Hulyo 20 nang i-book siya ng isang foreigner na babae.

Sinundo niya ang pasahero sa Parañaque at nagpapahatid sa Mall of Asia sa Pasay ngunit hindi pa raw sila nakalalayo, sinabihan siya ng kanyang pasahero na bumalik sa lugar kung saan siya sinakay.



Iniwan ng babae ang pera sa taxi at sinabihan si Martin na ibigay ito sa kanyang kaibigan nang walang ano pa mang ibang detalye.

“Siyempre akala ko po may naiwanan. Bumalik po ako. Pagbalik ko po, bigla po siyang bumaba. Ang iniwan niya lang na salita, ‘Give it to my friend’,” kuwento ni Martin.



Nang bumaba na ang babae, may dalawang Chinese naman ang sumakay sa kanya nguni’t hindi kinuha ang iniwang pera ng una niyang pasahero nang makarating na sila sa MOA.

Sa takot na posibleng iligal ito, tinawagan ni Martin ang kanyang kompanya at kanyang kaibigan na isang pulis.



“Humingi na lang ako ng tulong sa company na pinagtatrabahuhan ko… pagdating po dun… sa Makati, sarado na ata nu’ng time na ‘yun. Papunta na ako sa Marikina, tumawag po ako sa kaibigan kong pulis na humingi po ako ng tulong. Sabi ko ano ba ang gagawin ko may naiwang pera sa akin, malaking pera,” dagdag pa niya.

Pinayuhan siya ng kaibigan na dalhin ito sa Manila Police District at nang dumating siya sa himpilan ng pulisya naroon na ang pasahero niyang nakaiwan sa pera at naiyak sa pagpapasalamat sa pagsosoli sa kanyang milyones.

Sa MPD headquarters nalaman ang halaga ng perang naiwanan sa taxi.

Ayon sa babaeng pasahero, ipapalit sana sa foreign currency ang naiwanang pera.