Advertisers

Advertisers

Sabungero tinodas sa loob ng sabungan

0 375

Advertisers

Patay ang isang sa sabungero ng barilin ng hindi nakikilalang salarin sa loob ng sabungan sa Mabini Batangas.

Kinilala ang nasawi na si Virgilio Francisco, 54.

Samantala, mabilis naman tumakas ang ‘di nakikilang salarin sa ‘di nabtid na direksyon.



Sa report, 1:45 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa Mabini cockpit arena sa Mabini, Batangas.

Nabatid na abala ang biktima sa panonood ng laban ng mga manok ng lapitan ng salarin sa likuran bahagi nito.



Pinaputukan sa ulo ng salarin ang biktima na ikinasawi noong din at mabilis na tumakas habang nagkakagulo ang mga tao sa loob ng sabugan.

Nakarekober ang mga otoridad ang basyo ng bala ng cal 45 sa pinagyarihan ng insidente.



Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilan ng salarin at motino ng pamamaril.(Mark Obleada)