Advertisers

Advertisers

Bida noon, nasa news ngayon!

0 283

Advertisers

Dalawang batikang atletang Pinay na kampeon noong 70s at 80s ang laman ng mga balita nitong linggo.

Una si Oliva “Bong” Coo, ang kampeon natin sa bowling noon. Mangyari kauna-unahang siyang appointee bilang Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) ng bagong pamahalaan.

Ang lady bowler ay 4x world champ at may kabuuan na 37 na ginto o 1st place sa mga nternational na competition. Siya nga pinaka-decorated na sports hero ng Pinas.



Pero ang game niya noong nasa St Scholastica’s College pa ay softball at volleyball. 21 años na siya nang magsimula sa bowling bilang therapeutic sport.

Dami nga raw applicant sa posisyon at mabuti may nilagay na kinatawan ang mga manlalarong Pilipino sa ahensya.



Dati si Ramon “El Presidente” ang nagrepresenta as kanila sa PSC.

Natutuwa si Aling Barang dahil babae at premyado pa ang mapili ni FM2.



May tsismis na malakas daw sina Abraham Mitra ng GAB at si Chito Loyzaga nguni’t may mga kontra rin sa kanila kaya natatagalan ang desisyon.

Ang isa pang babae na atleta na nasa media news ay si Lydia de Vega na tinagurian noon na fastest woman in Asia. Gold medalist ang produkto ng Gintong Alay sa 100 meter dash sa Asian Games noong 1982 sa New Delhi at 1986 sa Seoul.

Ilang gold medal din ang nauwi ng anak ni Francisco “ Tatang “De Vega mula sa SEA Games.

May stage 4 breast cancer ang asawa ni Paul Mercado. Ayon sa anak niyang si Stephanie na naging volleybelle as DLSU ay nagkaroon na ng komplikasyon ang sakit ng Ina.

Kumalat na pala hanggang sa brain ang karamdaman kaya humihingi ng dasal at tulong ang pamilya ng matagal na track and field coach sa Singapore.

***

Tinatanong ni Pepeng Kirat kung pwede i-buy out na lang ng LA Lakers si Russell Westbrook kung hindi nila ito ma-trade ngayong season. Sa mga sumandaling ito kasi walang interesadong team ng straight-up na palita. Puro may hinihinging draft pick o kasamang player nila sa trade

Posible naman na bayaran siya nina Jeannie Buss ng $40M at nang maalis na siya sa purple and gold kung walang koponan na makasundo sila bago ang season start.

Makakukuha pa sila ng ibang target na mga shooter at guwardiya dahil magkakabudget na sila na di lalagpas sa salary cap ng team.

Nandiyan ang mga free agent gaya sa nagpaparamdam na si Dennis Schroder o kaya sa iba-buy out din ng ibang prangkisa