Advertisers

Advertisers

SONA NI PBBM TUTUTOK SA EKONOMIYA, COVID-19 AT DIGITALIZATION

0 384

Advertisers

MISMONG si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang nagsusulat ng kanyang talumpati para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, ito ang dahilan kung kaya niluluwagan ang schedule ng Pangulo para makapag-focus sa kanyang SONA.

“He’s the one writing his Sona message. And, he will be very busy, yesterday we tried to relax his schedule so he can write. But ang dami pa rin mga trabaho,” ani Rodriguez.



“This morning, we have just, the two ambassadors of Thailand and the United States presented their credentials to him this morning. But this afternoon, he has devoted it until the weekend, until morning of Monday to finalize his SONA,” dagdag ni Rodriguez.

Hindi naman matukoy ni Rodriguez kung ilang pahina ang SONA ng Pangulo.



“Walang… it’s a work in progress. It’s a moving thing. it’s too premature to say right now,” pahayag ni Rodriguez.

Sesentro aniya sa ekonomiya ng bansa at kung ano ang mga plano ng Pangulo ang kanyang SONA.



Mababanggit din ang usapin sa edukasyon kabilang ang pagbabalik ng face-to-face classes, ang COVID-19 response at ang isinusulong na digitalized governance ng administrasyong Marcos.