Advertisers

Advertisers

Pekeng dentista, arestado

0 329

Advertisers

Arestado ang isang pekeng dentista nang maaktuhan nagsasagawa ng kanyang operasyon na walang lisensya sa Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Vanice Arellano.

Sa pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Cagayan at Camalaniugan Police Station, naaresto ang suspek na nagpapanggap na isang dentista.



Ayon kay PMaj. Reymond-1 Asistores, hepe ng Camalaniugan Police Station, naaktuhang nagsasagawa ng dental services sa isang pasyente na walang lisensya.

Nag-ugat ang pagkahuli kay Arellano sa isang reklamo ng malpractice mula sa dating niyang naging pasyente.



Sa pagsalakay ng kapulisan sa suspek, narekober ang mga dental kits, at iba pang mga kagamitan ginagamit para sa dental services.

Nahaharap si Arellano sa paglabag sa RA 9484 o Act to regulate the practice of dentistry, dental hygiene and dental technology. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">