Advertisers

Advertisers

Albularyo patay sa kagat ng aso, ginamot kasi ang sarili

0 367

Advertisers

ISANG ‘magtatandok’ o albularyo ang nasawi sa kagat ng aso, dalawang buwan ang nakararaan at ginamot lang ang sarili.

Kinilala ang biktima na si Lorante Dela Cruz, 49 anyos, ng Barangay Paratong, Sta. Catalina, Ilocos Sur.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, May 13 nang nakagat ng aso si Dela Cruz na kaniyang nadaanan. Pero sa halip na magpunta sa duktor para ipasuri ang tinamong kagat sa paa, ginamot nalang ng biktima ang sarili.



Makalipas ang dalawang buwan, lumala ang kaniyang kalagayan at binawian ng buhay.

Ayon kay Dr. Loida Ranches, Vigan City Health Officer, kabilang sa sintomas ng rabies ang takot sa tubig, takot sa hangin, at hindi na alam ang nangyayari sa paligid, at nawawala na sa sarili.

Na-cremate na ang mga labi ni Dela Cruz pero naghihinakit ang kaniyang pamilya dahil walang umaamin kung kanino ang aso na nakakagat sa biktima.

Payo ng awtoridad kapag nakagat ng aso, hugasan ng mabuti ang sugat, magtungo sa animal bite treatment center, at magpabakuna kontra-rabies.

Huwag din papatayin ang aso na nakakagat. Sa halip ay obserbahan ito. Kapag namatay ang aso pagkaraan ng 14 araw sa observation period, tanggalin ang ulo ng aso at dalhin sa veterinary office para masuri.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">